#BEChapter12

31K 582 105
                                    

"Ano'ng pakiramdam maging mayaman?" Tanong ko kay Eliot.

Nanatili pa rin kami sa restaurant para magpahinga matapos kumain. Isa ito sa favorite part ko ng beach, iyong tanaw mo ang dagat at dama ang lamig ng hangin mula sa karagatan. Sobrang nakaka-chill.

Kita ko naman ang pagsalubong ng dalawang kilay niya dahil sa tanong ko kaya natawa ako sa kanya. Ang humble naman nito. "Seryoso ako. Super curious talaga ako sa buhay niyong mga mayayaman. Like ano'ng nagpapa-stress sa inyo."

Natawa naman siya na napapa-iling. Natuyo na lang ang buhok niya na gulo-gulo dahil sa pagligo namin sa dagat pero ang gwapo pa rin. "Life," Sagot niya. "Nakaka-stress ang buhay, Mimi. While we may hold an advantageous position, the responsibility to sustain our current status can exert immense pressure on us. The volume of work required is high. If the business were to falter, it could result in job losses for many. Although wealth may seem to provide comfort, that's not always the case, Mimi."

Tumanga-tango naman ako dahil may point siya. Pero at least, marami pa rin siyang pera kapag stress siya. E, kaming mahihirap, stress lang pero walang pera. Dahil naniniwala ako na ang pera ang sagot para gumaling ka sa stress. Charot!

"'Di ba successful ka na? Ano pa iyong isang bagay o mga bagay na gusto mo pang ma-achieve sa nakaka-stress na buhay na ito?" Patuloy ko pang pagtatanong sa kanya.

"Ano ba 'to? Job interview?" Asar pa niya sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano nga? Gusto ko lang talaga malaman. S'yempre ngayon lang ako nakaka-usap ng isang mayamang tao. Hindi ko naman nakakausap ang mga past clients ko ng ganito. Gusto ko lang malaman kung ano pa ang mga gusto niyong ma-achieve sa life kung ganito na kayo ka-successful."

Ngumiti lang din siya at tumango-tango. "I wouldn't outright declare myself successful in my career. Success, in my view, is a subjective term that varies from person to person. For me, success is having a complete family, a stable job, and food on the table. In that sense, I consider myself successful. If there's one thing I yearn to accomplish in this lifetime, it's to craft more cherished memories with those who are nearest and dearest to me."

Ako naman ang napakunot ang noo sa huling sinabi niya. "Bakit? Hindi ba close ng family mo?"

"Close naman." Mabilis niyang sagot. "Alam mo 'yon, as we grow older kasi, our lives become increasingly occupied with our own pursuits in life. Sometimes, our homes merely serve as a place to rest, as we find ourselves spending the majority of our time outside. Interactions with household members become less frequent due to varying schedules. Kaya nakaka-miss ang maging bata kasi 'yon 'yong mga panahon na kumpleto pa kayo lagi sa lamesa."

Matagal naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko inaasahan na ibabahagi niya sa akin ang ganitong kwento niya sa buhay. Mas nakikilala ko siya ngayon. Ito iyong seryosong Eliot na nakausap ko ngayon. 

Bawat tao talaga ay may kanya-kanyang mga pinagdadaanan. Lumaki akong iniwan ng mga magulang ko, tas saglit ko lang din nakasama ang lolo't lola ko dahil kinuha na rin sila ng D'yos sa akin kaya nasanay akong mabuhay mag-isa. Si Eliot naman ay buo ang pamilya pero dahil halos ng pamilya niya ay successful sa kani-kanilang larangan ay hinahanap niya ang bonding na hindi na nila nagagawa ngayon. 

Matapos naming kumain ni Eliot ay bumalik na kami sa beach house na nirentahan namin. Pero ito namang si Eliot ay nakayakap sa likod ko habang naglalakad kami at sinasabayan niya pa ng pag-kiliti.

"Ano ba Eliot!" Sita ko sa kanya dahil mukha na kaming tanga na pinagtitinginan ng mga taong nakakasalubong namin. Sinisiko ko siya para tumigil na siya at umalis na sa likuran ko pero masyado siyang malakas at malaking lalake sa akin. "Para kang tanga! Hahahaha."

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now