#BEChapter24

28.3K 643 102
                                    

"Oy! Ano'ng childhood crush ang pinagsasabi mo kanina?!" Singhal ko kay Eliot habang naglalakad kami papunta sa reception.

Kanina ko pa siya tinatanong simula nang banggitin niya iyon pero wala akong makuhang matinong sagot sa kanya. Paano niya ako magiging childhood crush e sa mismong bar lang nagkrus ang landas namin?! Imposible namang nag-aral siya sa public school. Saka buong buhay niya ay sa siyudad siya lumaki, habang ako ay sa probinsya. Baka adulthood crush niya ako.

"Nagkita na ba tayo rati?!" Patuloy kong pangungulit sa kanya. "I mean bago iyong sa bar?"

Tumigil naman si Eliot sa paglalakad at tinignan ako. "Nagkita lang tayo kanina."

Hinampas ko naman siya sa braso niya. "Pilosopo!"

Tumawa siya sabay hawak sa kamay ko at dinala n'ya ito sa labi niya. "Bakit? May naaalala ka bang nagkita na tayo rati? Bukod sa bar?"

At talagang binalik pa niya sa akin iyong tanong. Nag-iinit na naman ang ulo ko. Pasalamat siya dahil may sakit siya dahil kung hindi ay nabugbog ko na siya. "E, ano nga 'yong sinasabi mo? May pa-childhood crush ka pa d'yan. Binobola mo lang ata ako, e! Sasama ka nga ako sa'yo, 'di ba? Kaya hindi mo na ako kailangang lokohin pa!" 

Natawa naman si Eliot at hinarap na ako. "Hindi kita binobola. Ako nakita na kita rati pero malay ko sa'yo kung naaalala mo. Bata ka pa n'on kaya baka hindi mo na nga naaalala pa."

Tinitigan ko siya nang matagal. Nakita ko ba siya noong mga bata pa kami? Bigla akong may naalala na tulad ng nadama ko noon, para ngang nagkita na kami pero hindi ko matandaan kung saan.

"Paano? Saan? Paki-kwento, please!" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Sa takdang panahon." Walang kwenta niyang sagot sabay kindat at naglakad na kami ulit.

Epal! "Iku-kwento mo o ilalaglag ko 'tong anak mo?!" Pagbabanta ko sa kanya.

"May incubator naman. Mabubuhay na siya doon." Pilosopo na naman niyang sagot sabay tawa niya ulit. Peste!

Bahala nga siya sa buhay niya. Hindi ko na siya kinulit pa at tahimik na lang na naglakad.

"Taray, nagkabalikan na..." Pang-aasar ni Alexis sa amin nang madatnan namin siya sa reception. "So, i-uuwi mo na ba siya? Paki-uwi na siya, please. Dagdag gastos lang siya rito." Sabay tawa ni Alexis.

Minsan, napapaisip ako kung pinanganak ba si Eliot at Alexis para lang bwisitin ang araw ko dahil kuhang-kuha nila ang inis ko. Ano ba ang nagawa ko sa past life ko para pagsabayin sa buhay kong ito si Alexis at Eliot. 

Tinignan ko naman siya nang masama. "Ang kapal, ha! Kahit buntis ako ay nagta-trabaho ako rito ng maayos, 'no!"

"Tama na 'yan," Awat naman sa amin ni manang na may dalang agahan, kasama niya si manong na may dala ring mga ulam. "Kaon na 'ta."

 "Naku, masarap ang sex kapag galing sa away." Hirit naman ni manong.

Nagulat ako sa sinabi ni manong. Feeling ko ay namula ang pisngi ko. Oo, malandi ako pero hindi ko naman kayang makipag-usap ng ganito sa mga matatanda. Pero opo, masarap nga po ang sex kapag galing sa away. 

Natawa lang si Eliot at nakipag-apir kay manong. "Masarap nga po."

Eliot! Bakit kailangan i-confirm sa kanila na nag-sex lang kami kagabi! 

Si manang naman ay siniko si manong. "Tumigil ka nga."

Si Alexis naman ay tinakpan niya ang kanyang tenga. "Gising na po ang mga bata. My virgin ears."

Natawa na lang kami kay Alexis. Mukhang siraulo talaga. Pinagsaluhan na namin ang agahan. Kung aalis man ako sa islang ito, itong ganitong pagsasalu-salo at sila mismong mga taong nag-alaga sa akin ang mami-miss ko.

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now