#BEChapter18

27.3K 759 119
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang iwan ko ang buhay ko sa Doldam at ang trabaho ko bilang isang escort girl. Nanibago ako sa una pero nasanay din ako dahil kailangan kong tanggapin ang katotohanan na iba na ang buhay ko ngayon. 

Ang daming mga bagay ang nami-miss ko sa buhay ko: sina Alyssa at Uno. Iyong biglang hindi ko nakakasama iyong dalawang ito na naging parte ng buhay ko sa loob ng limang taon. Iyong trabaho ko sa Luxuries of the Night. Iba pa rin kasi ang kitaan ko rati.

Marami man ang nagbago sa akin, pero mas excited na ako sa paparating na buhay sa tiyan ko. Pitong buwan na ang dinadala ko. Medyo mahirap nang kumilos dahil mabigat na ang tiyan ko tas kailangan ko pang magtrabaho. Pero, kaya naman dahil 'yong mga katrabaho ko ay inaalalayan ako.

"Buntis," Tawag sa akin ni manang na katiwala ng isla kaya napalingon ako sa kanya. Lumapit pa siya sa akin sabay himas sa tiyan ko. "Okay ka diha?" 

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "Okay lang po ako rito."

Ako ang nakatoka bilang receptionist ng isla. So, ako ang tumatanggap ng mga bisita. Kaunti lang kaming nagta-trabaho sa islang ito kaya dapat may ibang trabaho pa ako bukod sa pagiging receptionist. Pero dahil buntis ako, dito muna nila ako nilagay para hindi ako mahirapan.

"Magsabi ka kung may kailangan ka, ha?" Pag-check pa niya sa akin.

Tumango pa ako sa kanya. "Yes po, manang."

Tumalikod na siya para maghanda na sa panibagong araw ng Isla de Asis. Ang swerte ko talaga sa kanila dahil ngayon ko nararanasan ang aruga ng isang magulang. Sila kasing mag-asawa ang bantay ng isla rito na ginawang resort. Sa ibang tao ko pa pala mararanasan ang magkaroon ng isang magulang. Gan'on pala talaga 'no, "Blood is thicker than water" isn't always true.

At natutunan ko rin na sa bawat pintong nagsasara ay ang panibagong pintuan na magbubukas. Nagsara man ang sa amin ni Eliot ay nagbukas sa akin ang pamilya nila manang na nakakasama ko ngayon. 

Simple lang ang buhay ko ngayon sa islang ito. Malayong-malayo sa nakasanayan kong buhay sa Doldam. Konti lang naman ang pumupuntang bakasyunista rito dahil ayaw ng may-ari na masira ang isla. Gusto pa rin nilang ma-preserve ang yaman ng islang ito.

Ang islang ito ay pagmamay-ari ng pamilya De Asis kung saan ay governor ng probinsyang ito si Ginoong De Asis. Mabait naman siya at ang pamilya niya. Tinanggap nila ako kahit buntis ako. Nag-alala pa nga sila sa sitwasyon ko noong una, pero tinanggap din nila ako at nangakong tutulungan sa bagong journey ko kasama ang paparating kong baby.

May nag-iisang anak silang babae na si Miss Fita. Madalang lang siya rito dahil sa siyudad na siya nakatira. Ilang beses din kaming nagkasalamuha rito sa isla sa tuwing dumadalaw siya, at naging magkasundo nang malaman niya ang nangyari sa akin. At sobrang ganda niya kaya hindi na ako nagtataka na isa siyang modelo.

Sa totoo lang, hindi mabigat ang naging trabaho ko. Ayaw nila akong mapagod kaya hindi nila ako masyadong pinapakilos. Nahihiya lang ako dahil buo pa rin ang sahod na nakukuha ko. Maliit pero nakatipid ako dahil libre ang tinitirhan ko at ang pagkain ko.

Minsan nga ay lumilipas ang mga araw na wala namang bakasyonista lalo na kung hindi naman summer season. Pero buo pa rin ang sahod namin. Ang gusto lang ni Governor ay alagaan namin itong isla kaya tuloy pa rin ang sahod namin. Ang sarap magtrabaho kung ganito ang employer mo kaya sinisikap naming alagaan ang isla.

Kaya kapag ganitong tengga kami, ang dami kong naaalala. Simula kasi nang umalis ako ay 'di na ako nagparamdam sa kanila. Kailangan kong tiisin para hindi nila malaman kung nasaan ako ngayon dahil delikado lalo na't nakakasama nila si Eliot. Miss ko na silang dalawa. Lalo na si Uno. Ang mga yakap at halik niya na nagbibigay sigla sa akin.

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now