#BEChapter19

26.7K 712 104
                                    

Napatingin na lang ako sa pigura ni Eliot at ni Miss Eden na naglalakad papunta sa kubol nila. Kita ko naman na lumingon pa ulit si Eliot sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ang sakit pa rin, na para bang hinihiwa ang puso ko. Gan'on lang talaga kadali sa kanya ang kalimutan ang pinagsamahan namin.

Biglang gumalaw si baby sa tiyan ko. Napahaplos ako sa tiyan ko. Anak, naramdaman mo ba ang  presensya ng papa mo? Sorry ha, hindi kasi tayo ang priority niya. Hindi tayo pasok sa YOLO niya.

Nakakainis lang. Bakit ba kasi sila nandito? Sa dinami-rami ng isla sa bansang ito, dito pa talaga nila na isipang dalawa magbakasyon! Lapitan sana silang dalawa ng jelly fish! Para naman maramdaman nila ang sakit ng pinagdaanan ko nang hindi ako pinili ni Eliot!

Hindi ko lang lubos maisip na magtatagpo pa ulit ang landas namin. Iniisip ko na maliit na chance lang na magkasalubong ulit kaming dalawa. Ang layo na nitong pinagtaguan ko pero parang gumawa naman ang tadhana ng paraan para pagtagpuin kami. At anim na buwan pa lang ako nagtatago! Hindi man lang pinalipas ni Lord ng mga taon! 

Ganitong-ganito rin linya sa akin ni Alyssa nang magkita ulit sila ni Elijah. Ang tadhana talaga ang maglalapit sa'yo sa taong pinagtataguan mo. Biruin mo sila, taon ang tinagal bago muling maglaro ang tadhana. Sa bawat taguan talaga ay mahuhuli't mahuhuli ka.

Ang problema ko ngayon ay paano haharapin si Eliot ganitong alam niyang buntis ako! H'wag na h'wag niyang maaako itong batang ito tutal ayaw niya nang anak, 'di ba?! Puro iyot lang naman ang gusto niya!

Naputol ang gyera sa utak ko nang sumulpot sa unahan ko si Alexis. "Musta buntis?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi ako okay dahil nandito ang ama ng anak ko. Pero ayokong malaman nila ang anumang koneksyon ko kay Eliot. Kailangan ko ang trabahong ito kaya sana ay h'wag gumawa si Eliot nang kahit anong eskandalo rito. Hindi na ako naghabol sa kanya dahil iyon ang gusto niya, kaya sana ay hayaan na niya ako.

"Okay naman ako." Sagot ko sa kanya. "Hanggang kailan 'yong mga bakasyonista?"

Dahil hindi ko kakayanin na makita si Eliot ng matagal. Sana ay lumayas na sila ng kalandian niya bukas na bukas din. Tutal gan'on naman talaga siya, mahilig lang sa isang gabing aliw. Kaya sana ay isang gabi lang sila rito. 

Napatingin naman si Alexis sa gawi ng kubol na tinutuluyan nila Eliot sabay nagkibit-balikat siya bago ako muling tignan. "Rinig ko kanina, ang gusto n'ong lalaki ay overnight lang pero ang gusto n'ong babae ay 3 days, 2 nights."

See? Mahilig lang talaga si Eliot sa one night. Ako lang talaga ang nag-iisang bukod tanging lumagpas sa isang gabi. At hindi pa sila talaga nagkasundo n'yan? Sabagay, magulong kausap 'tong si Eliot. Ang malas n'ong babae.

Tumango naman ako. "Sana overnight lang..." Halos pabulong kong sabi kaya napatingin sa akin si Alexis. Obvious ba ang bitterness ko? Ang chismoso pa naman nito.

"Himala," Sambit niya. "N'ong mga nakaraang araw ay gusto nimong magka-bakasyunista para may magawa ka. Ngayong may bakasyunista na ay gusto nimo overnight lang sila."

Kung alam lang niya kung gaano ko kagustong palayasin silang dalawa ngayon sa isla dahil ayoko silang makita maski overnight lang 'yan. Masisira lang nila ang ganda ng isla dahil isa silang polusyon. Charot!

"E, magulo sila, e! Hindi sila makapag-decide, 'di ba?!" Bulyaw ko kay Alexis. Sa kanya ko tuloy nabubunton ang galit ko! "Doon ka na nga. Ihanda mo 'yong bangka dahil for sure mag-island hopping 'yon." Tas iwan mo na sila doon sa isla para makain na sila ng anaconda. Charot!

"Mamaya pa ang island hopping nila. Bakit parang iba yata ang timpla mo sa mga bisita natin ngayon? Hmmm? Kilala mo ba sila." Sagot niya sabay haplos niya sa baba niya at naningkit pa ang mga mata niya.

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now