#BEChapter22

28.3K 732 212
                                    

Tinignan ko lang ang ATM card ni Eliot na nilapag niya sa ibabaw ng reception desk ko. Kulay itim ang card niya. Obvious na pang-ultrawealthy ang account niya. Sinampal na naman ako ng kahirapan.

Eliot Villavicencio
XXXX XXXX XXXX 0924

Tinignan ko naman si Eliot. "Hindi ko kailangan ng pera mo. Libre ang pagkain at tinutuluyan ko rito. Sapat ang kita ko para sa amin ni baby. Kaya kunin mo na 'yang card mo."

"'Mi," Pagsusumamo niya. "Bigyan mo naman ako ng chance, please. Gusto ko lang maging good provider sa inyo ni baby. Alam kong asshole ako noon, kaya gusto kong bumawi at ipakita sa'yo na responsable akong ama at partner."

Partner? Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Natawa ako dahil ang kapal ng mukha niya na banggitin 'yon, e ayaw nga niyang ma-fall ako sa kanya kahit pa-fall siyang hayop siya. "Partner? Wala namang tayo, Eliot. Binabayaran mo lang ako noon para maging companion mo. Okay sige, magbigay ka ng pera pero para na lang sa bata. Siya lang naman ang responsibilidad mo, hindi ako."

Kita ko naman ang mga mata niya na malungkot dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. "'Mi, hindi lang ang bata ang kargo ko, pati ikaw kasi dala-dala mo ang anak ko. Gusto kitang alagaan at protektahan kasi katawan mo ang nagdadala sa anak ko. I'm really sorry sa pagiging asshole ko noon. Hindi ako umaasa na mapatawad mo agad, pero sana hayaan mo naman akong i-spoil ang nanay ng anak ko."

Nanay ng anak niya. Iyon na ang bagong role ko sa kanya. Never talaga akong naging special sa kanya. Sabagay, mas okay na 'to kaysa sa fuckmate niya noon. Pero bakit kailangan pang i-spoil ako? Para ano? Aasa na naman ako sa pa-fall niyang moves? Hindi na. Natuto na ako.

"Hindi na." Sagot ko sa kanya. "Kaya ko na ang sarili ko, Eliot. Ang isipin mo na lang ay iyong bata."

.

.

.

.

.

Ilang araw na ang lumipas simula nang mamalagi rito sa isla si Eliot. Walang araw at gabi na hindi siya nangungulit sa akin. Alam na ni manang at manong na siya ang ama ng dinadala ko. Hindi naman nila magawang paalisin si Eliot dahil nagbabayad siya sa pag-stay niya sa isla. Iniiwasan ko na lang siya hangga't maari, at nakikipag-usap lang kung tungkol sa bata ito.

O, ilaw. Sa gabing malamig...

Ito ang kinaiinisan ko sa ginagawa niya. Gabi-gabi na lang niya ito ginagawa sa labas ng kubol ko. Tinakpan ko ang ulo ko ng unan para hindi sila marinig pero wala ring silbi. Gabing-gabi ay nambubulabog itong sina Eliot at Alexis!

Wangis mo'y. Bituin sa langit...

Peste! Ang panget ng boses ni Eliot! Anak h'wag kang magmamana sa boses niya! Dapat biritera ka tas isasali kita sa The Voice.

O, tanglaw. Sa gabing tahimik...

Grrr! Hindi tahimik ang gabi ko dahil ang papanget ng boses nila! May nag-gi-gitara pa! Mga bwisit! Hindi ba nila alam na kailangan ng buntis nang matinong tulog?! Bumangon na ako sa kama ko at binuksan ang bintana.

"Walang yelo!" Sigaw ko sa kanila.

"Luh, ice tubig kaya bibilhin namin." Pa-epal ni Alexis.

Tinignan ko naman nang masama si Alexis. Napaka-kupal talaga. Nilibot ko pa ang paningin ko sa kanila. Tatlo pala sila. Si manong ang nag-gi-gitara. Bwisit talaga 'tong Eliot na ito! Gagamit talaga ng mga tao para lang makuha ang gusto!

Tinitigan ko naman si Eliot. "Gusto mo ba talaga akong mapuyat? Nang-istorbo ka pa talaga ng mga tao?! Kahit ano pa ang gawin mo, buo na ang desisyon ko! Kaya tumigil ka na, Eliot!"

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now