#BEChapter14

28.7K 672 115
                                    

Nagising na lang ako na wala na si Eliot sa tabi ko. Napatingin naman ako sa bintana. Madilim pa ang paligid. Umalis ba si Eliot na hindi man lang nagpapaalam sa akin? Bigla akong napaisip na baka nakulitan siya sa mga tanong ko kagabi.

Bumangon ako sa kama at naupo sa gilid nito. Inayos ko ang buhok at napansin kong nandito pa ang gamit niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil nandito pa siya. Baka morning person lang talaga siya. Nasaan kaya siya ngayon?

Tumayo na ako at lumabas ng balcony. Dama ko agad ang lamig ng hamog. Pinagmasdan ko ang paligid. Payapa pa ang dagat, at payapa pa ang pampang mula sa mga taong nag-party kagabi. Kita ko ang unti-unti ng pagliwanag sa dulo ng karagatan. Papasikat na ang araw.

May nahagip naman ang mata ko sa buhanginan. Si Eliot. Nakaupo lang siya sa buhanginan at nakatingin lang sa karagatan. Ang payapa lang niya ngayon, iyong hindi malibog na lalake. Napangiti lang ako habang tinitignan siya. 

Linabas ko ang cellphone ko para kunan ang karagatan kung saan damay ang maliit na pigura ni Eliot. Pinost ko ito sa account ko at linagyan ng caption: where the sea meets the sky.

Safe naman ang post ko kasi hindi naman kita ang mukha ni Eliot, at iisipin nila na nadamay lang siya sa picture ko kasi maliit lang ang pigura niya rito. Matapos man ang agreement namin ay may mababalikan akong ala-ala. Masaya man o masakit ang ending nito, ang chapter ng life kong ito na kasama si Eliot ay isa sa memorable memories na dadalhin ko habangbuhay.

Kita ko naman na may kinuha si Eliot sa bulsa niya, ang cellphone niya. Parang may pinanood siya sa cellphone niya sabay lingon sa direksyon ko. Agad siyang kumaway nang makita niya ako at sumesenyas na puntahan ko siya. Lumabas naman ako ng kwarto namin at pinuntahan siya sa buhanginan. Naupo naman ako sa tabi niya.

"Good morning." Bati niya sa akin.

Tinignan ko naman siya. "Good morning. Ang aga mo namang nagising."

Nginitian naman niya ako sabay ayos ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "Gusto ko lang mapanood ang sunrise. Iba kasi ang sunrise kapag nasa beach ka. Kaya gumising ako nang maaga. Gusto sana kitang gisingin pero ayaw ko namang putulin ang mahimbing mong tulog, Mimi."

Napangiti rin ako sa kanya sabay tingin sa karagatan. "Ngayon ko lang ulit ito masasaksihan. Either putok na ang araw paglabas ko sa trabaho o wala pang araw kapag uuwi na ako dahil wala akong kliyente. Ang peaceful lang panoorin. Damang-dama mo na another day, another chance."

Inakbayan naman niya ako sabay tingin niya ulit sa karagatan. "Thank you, ha?" Sambit pa niya. "I appreciate your presence sa buhay ko ngayon. This friendship we share was unexpected, yet it has enriched my life in ways I never imagined. I can confidently say that I'm living my life to the fullest, and you've been there with me during the most memorable moments, Mimi."

Ikaw din---sagot ng isipan ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong relasyon natin. Hindi man in a romantic way, pero itong friendship na nabuo natin ay hindi ko makakalimutan. Kung maikli man ang chapter na ito sa kwento ng buhay ko, masasabi ko rin na ito ang isa sa happiest at bestest days of my life.

Tinignan ko naman si Eliot. Gulo-gulo ang buhok niya dahil sa paglipad nito dahil sa hangin ng karagatan, pero gwapo pa rin. "Thank you rin, ha? Pinaranas mo sa akin ang ganitong karanasan na akala ko ay matagal pa bago ko magawa." 

Sure na ako na mahihirapan akong magmove-on sa kanya. Alam mo iyong feeling na nagkaroon ka ng first boyfriend at nagawa mo sa kanya ang halos unang karanasan mo. Gan'on ang feeling ko ngayon kay Eliot. Ang mas masakit lang, hindi ko naman boyfriend si Eliot. Magmo-move on ako sa relasyong never naman nangyari.

Matapos nga naming panoorin ang sunrise ay bumalik na kami sa kwarto para mag-breakfast at mag-ayos ng gamit namin pabalik sa siyudad.

"Tita!" Bungad sa akin ni Uno pagkauwi ko sa bahay. "Na-miss ko po ikaw!"

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now