#BEChapter17

26.9K 772 131
                                    

Hindi ako nakasagot kay Jelai nang hindi ko maalala kung kailan ako huling dinatnan. Bakit hindi ko napansin man lang 'yon? Gan'on ba ako kasaya kasama si Eliot para lang hindi maalala na hindi pa ako dinadatnan?

Inisip ko na lang na sana ay dulot lang ito ng stress nitong mga nakalipas na linggo dahil kay Eliot. Tangina, hindi ako pwedeng magbuntis. Hindi ako handa rito, at alam kong mas lalong magagalit sa akin si Eliot dahil ito nga ang ayaw niyang mangyari, ang magdalang-tao ako.

Nakaupo ako ngayon sa kama ko. Kanina ko pa tinititigan ang pregnancy test na binili ko bago umuwi. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na mabubuntis ako. Gusto kong kasuhan ang company ng pills na ginagamit ko! Na-fake news ako! Kagigil!

Hindi ko rin naman sila masisisi. Ang dami naman kasing labasan ni Eliot! Tas laging limang putok pa. Kaya 'di na nakakagulat kung may makakalusot talaga! Kung si Alyssa nga ay nadali ni Sir Elijah sa unang pagtatalik nila agad! Ako pa kaya na ang daming beses ng naputukan ni Eliot?!

Hindi pa nga ako nakaka-move on kay Eliot, tas heto, may pabaon pa siya sa akin. So, paano ko siya makakalimutan nito? Hindi pa naman ako sigurado. Sana lang talaga ay delayed ako.

Ayoko pang gamitin 'yong pregnancy test. Natatakot pa rin ako sa resulta. Dahil kung sakaling buntis nga ako, paniguradong matatanggal na ako bilang escort girl. Makabalik man ako pero hindi na gaya ng dati ang katawan ko, at dahil do'n ay mas hihina ako sa mga bachelors. Paano ko bubuhayin ang anak ko kung gan'on man ang mangyari?

Napatingin naman ako sa pinto nang kumatok si Uno. "Tita, tita! Labas na po ikaw! Wala po ako kasama rito sa labas!"

Napapikit ako. Uno, kakayanin ko bang maging ina? Iyong mga takot ko ay nagsisimula nang magpatong-patong. Iyong lalaki siyang ang ina niya ay dating escort service, tas wala siyang kikilalaning ama.

Naiiyak na ako ngayon pa lang. Ngayon pa lang ay wala na akong kwentang ina. Kaya ayoko talagang magkaroon ng anak. Ayoko na may isang batang Mimi na naman ang magkakaroon sa mundo. Ayoko siyang maging gaya ko na tatandang walang buong pamilya na mararanasan, at dadanas ng hirap dahil wala naman akong maayos na kita kung matitigil ako sa pagiging escort girl. 

"Tita? Okay lang po ikaw? Yakap ka po ni Uno para galing na ikaw." Patuloy na pagsasalita ni Uno sa may pintuan.

Natawa naman ako kay Uno. Siya talaga ang happy pill ko. Pinunasan ko agad ang mga luha ko para 'di ako makitang umiiyak ni Uno. Bumangon na ako sa kama at binuksan ang pinto. Agad naman akong yinakap ni Uno. Pinigilan kong h'wag maiyak at yinakap siya pabalik.

Uno, mukhang matutupad na ang hiling mo sa akin na magkaroon ka ng kalaro. May pagkasa-dilang anghel ka talagang bata ka. Dapat sa nanay mo 'to hiniling, hindi sa akin!

"Galing na po ikaw, tita?" Paglalambing pa sa akin ni Uno.

"Sorry," Sagot ko kay Uno. "Napasarap ang tulog ni tita. Mag-CR lang si tita, ha?"

Agad namang tumango si Uno kaya dumiretso na ako sa CR at agad na binuksan ang box ng pregnancy kit na binili ko. Gusto ko nang matapos 'tong agam-agam sa utak ko para mapag-isipan ko na ang mga gagawin ko sa buhay. Sinundan ko lang ang nasa instructions at nang matapos ay lumabas na ako ng CR.

"Magluto na ako, Uno." Sambit ko kay Uno na naka-upo na sa mat niya at naglalaro. Habang nagluluto ay tinawag ko ulit si Uno. "Uno?"

Lumingon siya agad sa akin. "Po?"

"M-may iniwan ako doon sa ibabaw ng inidoro. Tignan mo nga kung ilang kulay ang makikita mo doon sa mahabang puti na rectangle." Utos ko pa sa kanya.

Hanggang ngayon ay pinagdadasal ko na sana ay negative dahil 'di ko alam paano papalakihin 'tong batang nasa tiyan ko. Agad namang tumayo si Uno at nagtungo sa CR. Ako naman ay nag-focus sa pagluluto. Hanggang sa tumatakbong palabas ng CR si Uno at lumapit sa akin.

Bachelor Escort (Rewritten)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن