#BEChapter25

27.8K 678 58
                                    

"Ano'ng iniisip mo?"

Naputol ako sa mga iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Eliot. Napalingon naman ako sa kanya. Kakatapos lang niyang maligo, at tanging boxer shorts lang niya ang suot niya. Nasa balikat pa niya ang towel niya at pinupunasan ang basa niyang buhok. Ito ba talaga ang may sakit? Dahil ang sarap pa rin talaga ng katawan niya.

Nandito kasi ako nakatambay sa veranda ng kwarto niya, nagpapahangin. Kakatapos lang namin maghapunan. Naninibago lang ako na ibang view na naman ang napagmamasdan ko. Sa Doldam dati ay iyong mga simpleng bahay-bahay at kalsada, sa Isla de Asis naman ay puro karagatan, habang dito sa mansion ng mga Villavicencio ay ang garden nila at swimming pool ang nakikita ko.

Nginitian ko naman si Eliot. "Wala lang. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na magkasama na tayo ulit. Ang haba rin ng pinagdaanan natin, tas heto, nasa iisang kwarto na ulit tayo."

Naupo naman siya sa tabi ko kaya naamoy ko na naman ang bango ng katawan niya. Ngumiti pa siya sabay kuha sa kamay ko para hawakan ito. "I honestly didn't see this coming din. Iyong magkaka-baby at soon to get married. Kahit hindi ko ito inaasahan, sa kabila ng mga takot ko, masaya ako na nangyari ito sa akin, na nangyari ka sa akin dahil ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko, Mimi."

Napangiti rin ako dahil sa mga sinabi niya. May kung anong paru-paro ang lumilipad sa tiyan ko. Feeling ko masaya sila ni Tala sa naririnig nila kay Eliot. "Bakit ako, Eliot? Alam mo naman ang naging trabaho ko, 'di ba? Pwede mo namang panindigan si Tala lang. Baka husgahan ka nila na pumatol sa isang escort girl."

Kita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya. "Hey, don't say that. Kailan pa naging basehan ang trabaho ng tao para mahalin mo siya? Ginusto kita Mimi kasi ikaw 'yan. Tandaan mong ako ang naghabol sa'yo. Kahit sa taas ng bid ko sa'yo, tinanggihan mo pa rin ako. Doon mo ako nakuha. Kasi ikaw iyong nag-iisang babae na ni-reject ako. Kaya gigil na gigil ako na angkinin ka talaga. Alam mo bang kilig na kilig ako sa tuwing napapaamo ko ang kasungitan mo?"

"Bolero." Sagot ko naman sa kanya. 

Natawa naman siya. "Seryoso. Alam kong ang taas ng wall mo dahil sa mga experiences mo sa buhay. Kaya pinangako ko na i-spoil kita dahil gusto kong iparamdam sa'yo na kahit unfair ang buhay, masarap pa ring mamuhay kasama ang nag-iisang taong nagpapasaya sa'yo. Mimi, I find joy in your happiness as well."

Nginitian ko naman siya. Tama naman siya, ibang saya ang dinulot niya sa akin no'ng nasa isang agreement pa lang kami. Kaya nga ako nahulog sa kanya, e. Handa akong ibaba ang wall na ginawa ko para sa kanya. Gets ko na ngayon na pareho naman kami ng nararamdaman noon, dahil lang talaga sa sakit niya kaya pinili niyang h'wag umamin.

"Kaya alam mo na, kailangan mong mabuhay ng matagal para iyong happiness ko ay magtagal. Dahil ikaw ang happiness ko, Eliot." Sagot ko naman sa kanya.

Tumango-tango naman siya sabay ngiti. "Oo naman. Lalaban ako, Mimi, dahil gusto ko pa kayong makasama ni Tala ng matagal."

Hinila ko siya palapit sa akin para yakapin. Lord, dinggin mo ang hiling ng puso ko na makasama ko pa si Eliot ng matagal.

.

.

.

.

.

"Tita!" Masayang tumakbo papunta sa akin si Uno nang makita niya akong pababa ng hagdan. "I miss you po, tita!"

Hindi ko na siya makarga dahil malaki na ang tiyan ko kaya hinaplos ko na lang ang ulo niya. "Hello, my one and only! Na-miss din kita. Sorry, ngayon lang ako nagpakita. Naging busy lang ako sa trabaho ko sa malayong lugar."

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now