#BEChapter10

33K 617 64
                                    

"Ang aga mo yatang umuwi." Bungad sa akin ni Alyssa na papungay-pungay pa nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Nginitian ko naman siya sabay pasok sa munti naming tahanan. Dumiretso ako sa sala at naupo. "Hindi ako sa bar pumapasok ngayon." Sagot ko sa pinsan ko. "May kliyente kasi ako. Alam mo naman. Kaya siya ang nagbayad sa akin sa tuwing nagkikita kami."

Naupo naman si Alyssa sa katabing upuan at napatingin sa wrist ko kung saan nakakabit pa ang ride-all-you-can sticker ng Enchanted Kingdom. "Client o jowa? Sa Enchanted talaga?"

Natawa naman ako sa kanya. "Depende naman 'yon sa kanya. Companion nga, 'di ba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nagkakaratan kami. Sobrang libog nga n'on, e. Bet na bet ang public. Malaki titi n'on."

"Bunganga mo!" Sita niya sa akin at napailing pa siya. "Sira kayong dalawa. Kapag kayo nahuli, at mabalita ka pa sa news, ewan ko na lang talaga sa'yo, Amira."

"Hindi naman kami nahuli. Quickie lang kasi 'yon." Mabilis ko namang sagot sa kanya. "Tulog na si Uno?" Pagbabago ko ng topic.

Tumango nama siya. "Kanina pa. Sanay naman 'yon na wala ka tuwing gabi."

Tumango-tango rin ako sabay titig sa kanya. Sa totoo lang, maganda si Alyssa. Alam niyo iyong mga babaeng hindi nag-aayos, simple lang, pero gumaganda kapag matagal mong tinitigan. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit nalibugan agad sa kanya ang papa ni Uno kaya kinarat agad. Ayan, may Uno tuloy sila.

"Mukhang blooming ka lately, ah." Asar ko pa sa kanya. "After sex glow ba 'yan? Taray, may papa na si Uno."

Binato naman niya ako ng maliit ng unan sa sala. "Baliw! After-sex ka d'yan! Trabaho lang ang inaatupag ko."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Maulila man si Uno?"

Napailing na lang siya at tumayo kaya natawa ako. Hindi sumagot dahil totoong may kalandian na siya. "May natira pang pagkain d'yan. Kumain ka kung gusto mong kumain. Matutulog na ulit ako." Wika pa niya.

"Sweat dreams, sis." Pang-aasar ko pa sa kanya.

Umiling lang siya at sinaraduhan ako ng pinto ng kwarto nila ni Uno. Gumayak naman ako sa banyo para maligo. Nang matapos ay natulog na ako. Nagising na lang ako kinabukasan na may notification sa phone ko. Tumambay pa ako sa sala dahil umalis na si Alyssa kaya ako na naman ang bantay kay my Uno and only.

elyoti followed you

Ano ba 'tong username niya! Hindi nakaka-bachelor, ha! Anak mayaman ba talaga 'to?! Ang kanal lang mag-isip ng username. Buti pa sa akin: AmiraCulous.

Nagpunta naman ako sa profile ni Eliot. Grabe ang gwapo niya sa profile picture niya. Ito ang nakaka-bachelor. Mukhang mayaman, mukhang mabango, mukhang halimaw sa kama, mukha ng kababaliwan mong tunay dahil umaapaw talaga ang testosterone niya. 

Nag-browse pa ako sa mga pictures niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag-browse pa ako sa mga pictures niya. Hindi gan'on karami ang pictures niya sa sarili niya. Mas marami ang kuha niya sa mga lugar na pinupuntahan niya, sa mga pagkain, at sa mga pamangkin niya. Mahilig pala siya sa bata. Kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niyang mag-asawa't anak.

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now