#BEChapter23

28K 675 80
                                    

"I'm dying, Mimi..."

At tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Napakurap pa ang mga mata ko sa huling sinabi ni Eliot. Ang hina lang nang pagkakasabi niya pero parang nabinggi ako. Tangina, pinagti-trip-an ba ako nito para lang mapatawad ko siya?

"A-ano?" Nauutal kong tanong sa kanya.

Napayuko ang ulo ni Eliot habang patuloy niyang hawak ang kamay ko. Rinig ko ang mga malalim niyang paghinga. Muli niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako sabay ngiti niya.

"I know na mahirap paniwalaan pero...malapit na akong mamatay." Sambit pa ni Eliot. "May brain tumor ako, Mimi. I need to undergo surgery pero may mga complications. Either I die during the operation, or mabuhay ako. Pero kapag nabuhay ako, may chance na mabaldado ako and that makes me want to die instead of staying alive."

Napa-iling naman ako. Hindi makapaniwala sa mga naririnig ko. "Sabihin mo ng nagbibiro ka lang. Ayoko ng ganitong trip Eliot para lang mapatawad kita. Hindi magandang biro 'to."

Kita ko ang mga namumuong luha sa mga mata ni Eliot. "Don't worry, ganyan din ang una kong reaksyon nang sabihin sa akin ni doc ang resulta ng lab result ko. Ang hirap tanggapin na bigla ka na lang may sakit. Kasi, okay naman ang pangangatawan ko. Sumakit lang naman ang ulo ko isang araw tas biglang may tumor ka na. Ang gago, 'di ba?"

Naramdaman ko naman ang pamamasa ng mga mata ko. "Kailan mo pa nalaman?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Three years ago? Hindi ko na tanda. Ang alam ko lang, tumigil na ang mundo ko noong araw na malaman ko ang sakit ko. Araw-araw ay iniisip ko na pwedeng mamatay na ako. Kaya everyday ay ginagawa ko na ang lahat as if ito na ang last chance na magagawa ko siya."

Matagal ko naman siyang tinitigan. Ngayon ko lang na-gets ang YOLO niya. Kasi nga, we only live once lang talaga. Hindi tayo sigurado sa mga buhay natin kaya make the most out of it. Kaya lagi siyang nagpapakasaya kasi alam niyang malapit na ang oras niya.

Ang sakit lang. Masasaktan pa rin pala ako. Mag-stay man si Eliot o hindi, pareho palang masakit dahil iiwan pa rin pala niya ako. "Alam kong ang bobo ng tanong ko pero mayaman naman kayo, 'di ba? Hindi ba talaga kaya na mapagamot ka? Baka naman may magaling na duktor sa ibang bansa na kaya kang gamutin. For sure naman ay kaya kang pagkagastusan ng pamilya mo." 

"Walang nakakaalam sa pamilya ko...bukod sa'yo." Sagot naman ni Eliot. Bigla akong naawa sa sitwasyon niya. Mag-isa lang pala niya 'tong hinaharap. "N'ong una kong malaman, natakot ako. Mag-isa kong nilabanan ang takot ko. Dahil ayokong malaman nila, dahil ayokong kaawaan nila ako...gaya ng binibigay mong tingin sa akin."

"S-sorry, gusto ko pa rin kasing gumaling ka." Naluluha kong sambit. Ang hirap lang tanggapin ng sitwasyon niya. Naghahalo ang awa at sakit na nararamdaman ko para sa kanya. 

"No, okay lang." Dinala niya ang kamay ko sa pisngi niya. "Mimi, sa totoo lang, gustong-gusto ko rin talagang bumuo ng isang pamilya. Sino bang hindi? Lumaki ako sa isang buo at mapagmahal na pamilya kaya gusto ko rin bumuo ng sariling akin kasi alam kong may kapasidad ako. Pero, nasira ang lahat ng malaman ko ang sakit ko."

Napayuko ako dahil hindi ko na kaya. Sana hindi ko na lang nalaman ang tungkol sa sakit niya dahil mas masakit pa 'to kaysa sa pinagtabuyan niya ako. Sana nagalit na lang ako ng tuluyan at hindi na pinakinggan itong rason niya. Mas malalim na hiwa ang ginagawa niya sa puso ko ngayon.

"Sabi ko naman sa'yo, kayang-kaya mong maging ama." Sagot ko pa sa kanya sa pagitan ng pag-iyak ko. "Ang caring mo kay Uno kaya alam kong kaya mo talagang maging ama."

Sinubukang ngumiti ni Eliot pero hindi ang mga mata niya. "Kasi, gusto ko talagang magka-baby. Malambot ang puso ko sa mga bata. Sa tuwing nagtatalik nga tayo, iniisip ko paano kung may mabuo. Hindi ko inaalis ang ideya na 'yon kasi totoo naman na hindi 100% effective ang birth control. Kumalas lang ako sa agreement natin kasi bigla kong naalala na may sakit nga pala ako."

Bachelor Escort (Rewritten)Where stories live. Discover now