#BEChapter6

36.5K 675 123
                                    

Para sa'yo at sa pamangkin mo.

Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang linyang binitawan ni Eliot kagabi nang ihatid niya ako rito sa Doldam. Part of me saying na may parte siya kay Uno. Napapaisip tuloy ako kung ako ba ang daan para makilala talaga ni Uno ang papa niya? Ayoko namang pangunahan si Alyssa.

Sure naman na akong hindi si Eliot ang papa ni Uno dahil never siyang na-engaged. Sinubukan ko pang i-search iyon just to make sure, and wala ngang nabalita na engaged na siya. Obviously since popular siyang bachelor, magiging balita iyon kung sakaling nahuli siyang may babae during his bachelor party.

Kaya nandoon pa rin ako sa ideya na baka isa sa pamilya ni Eliot ang papa ni Uno. Kung gan'on nga, kamag-anak din niya si Uno.

"Tita," Tawag sa akin ni Uno habang nag-aagahan kami. Kinakain namin iyong tinake-out namin ni Eliot kagabi. Madaling araw na kasi ako nakauwi kaya tulog na si Uno para kainin namin ito. Kaya ito ngayon ang breakfast naming dalawa.

Tinignan ko naman siya sabay may tinuro siya sa akin. "May kagat po ikaw sa balikat. Tas may pula sa leeg mo po."

Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Uno. Nawala sa isip ko ang ginawa sa akin ni Eliot kagabi. May lahing bampira ata si gago. Naninipsip at nangangagat. Agad kong linugay ang buhok ko para matakpan ang balikat at leeg ko.

"Ah, insekto lang, Uno." Pagpapalusot ko. Poging at malaking etits na insekto.

H'wag kang mag-alala, Uno, kapag nagbinata ka, marami ka rin mamarkahan. Baka nga bigyan mo pa si Alyssa ng apo agad knowing na ang laki rin ng itlog mong bata ka.

"Ingat po ikaw, tita. Spray tayo baygon para wala na po kagat sa'yo." Sambit ni Uno habang may kanin-kanin pa sa bibig kaya tinanggal ko ito.

Ang sweet ni Uno. Baka magbinata itong soft boy. Masyado siyang caring sa mga taong nasa paligid niya. Kanino kaya nagmana ito? Naniniwala akong hindi kay Alyssa.

Natawa naman ako kay Uno. "Mamaya, Uno. Mag-spray si tita para maalis ang mga pesteng insekto na kumakagat sa akin. Nagustuhan mo ba ang pagkain natin for today's video?"

Tumango naman si Uno. "Opo, tita! Sana lagi Jabee food natin. Yaman talaga ng tita ko!"

"Ano ka ba! Rich tita nga ako, 'di ba?" Sagot ko naman sa kanya.

Bumungisngis naman siya at muling linantakan ang biniling chicken ni Eliot. Napatitig na naman ako kay Uno, at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ayokong mag-asawa pero sana magkaroon man lang ako ng isang anak. Iba kasi ang tama sa akin ni Uno. Gusto ko ng Uno sa buhay ko. Pero, hindi pa ako handa sa ngayon.

Ganitong nagpapadala pa rin ako kay mama pang-suporta sa pag-aaral ng mga kapatid ko dahil hindi sapat ang kita nila ng asawa niya. Ewan, nagkalat na lang ang ibang mga kapatid ko sa mga kamag-anak namin dahil paiba-iba ng asawa si mama. Ni hindi ko nga kilala iyong iba kong kapatid lalo na 'yong mga kapatid ko kay papa.

Alam kong hindi ko na sila kargo pero kapag nabuhay ka sa hirap, ayaw mong maranasan ng mga kapatid mo iyong hirap na pinagdaanan ko. Kapag breadwinner ka kasi, wala ka ng ibang uunahin kung hindi ang iba. Kaya nakakapagod maging breadwinner pero wala kang choice kung hindi gawing last option ang sarili mo.

Hirap kapag parehong nagpamilya ang magulang mo. Madalas kaming mga naunang anak ang 'di na sinasama sa bagong pamilyang binubuo nila at parang kinakalimutan na lang.

Kung sino pa 'yong walang pera pambuhay sa mga anak, sila pa 'yong maraming anak. Kaya sa huli, ang mga anak ang nagsa-suffer.

Itong sitwasyon ko ang nagbigay ng trauma sa akin na ayokong magka-asawa o magka-anak. Negotiable naman iyong pagkakaroon ng anak basta isa lang para kaya kong buhayin. Pero, ang hindi ko lang kaya ay magka-asawa para lang magka-anak. Bibili na lang ako ng tamod ng lalake para mabuntis ako. Charot!

Bachelor Escort (Rewritten)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang