chapter iii

93 6 33
                                    

ZAHARA ELLIS

Ang mga matang 'yon ay hindi pa rin mawala sa alaala ko. Puno ng takot. Natakot ba siya sa akin nang makita niya ako? Gano'n na ba talaga ako ka-weird sa paningin ng ibang tao.


Ngayon ko na lang ulit naranasang makipagtitigan sa taong hindi ko kilala. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nang magdapo ang tingin namin sa isa't isa ay nakaramdam ako nang kapayapaan sa puso ko. Kalmado.


Kilala ko na sila sa mga pangalan nila dahil lagi silang kinukuwento ng kuya ko pero hindi ko pa sila nakikita ng personal o harap-harapan talaga. Kanina, base sa boses na narinig ko. Sa tingin ko ay si Hendrix 'yong nakita kong uminom ng tubig kanina.


Kitang-kita ko ang katamtaman niyang pangangatawan. Hindi maskulado, hindi rin gaanong payat. At kahit nakatalikod siya sa akin nang mga oras na 'yon ay halatang-halata na ang kakisigan niya. Lalo na noong humarap na siya nang tuluyan sa pwesto ko.


Ang itim na itim nitong mga mata ang pumukaw sa aking atensiyon. Makakapal na kilay, matangos na ilong, medyo kulot na buhok at ang maputi nitong balat.


May angkin talaga siyang kagwapuhan at sa tingin ko ay isa 'yon sa rason kaya sikat ang banda nila. Pinamumumuan 'yon ni kuya at proud ako bilang kapatid niya. Napakinggan ko na rin 'yong mga kanta nila dahil kadalasan ay sa kwarto sila ni kuya nagpapractice at may isang boses do'n ang nakapukaw ng aking atensyon.


Malambing ngunit malalim ang pagkakanta niya. Na sa bawat mga lirikang binabanggit niya ay parang hinihele ang puso ko. Napakapayapa ng kapaligiran at ang tanging boses niya lang ang nangingibabaw.


Kahit napapakinggan ko ang mga boses nila ay hindi ko pa rin mawari kung kanino ang boses na 'yon. Gusto ko siyang makilala someday. Dahil sa tuwing naririnig ko siyang kumakanta ay nawawala ang takot sa puso ko. Naiiwasan ko ring mag-isip ng kung ano-ano.


Humugot ako nang isang malalim na buntong hininga at tumagilid ng higa. Nakatapat ako ngayon sa bintana at kitang-kita mula sa pwesto ko ang liwanag na nanggaling sa buwan at ang nagsisikislapang mga bituin. Ang gandang tignan.


Medyo malalim na ang gabi pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko at binuksan 'yon. Isa rin ito sa pinagkakaabalahan ko rito sa kwarto, ang magbrowse sa social media. Lagi akong tambay sa Facebook at Youtube pero mostly talaga ay sa Facebook.


Wala naman akong gaanong friends dito dahil parang natatakot din akong makihalubilo. Pero karamihan sa mga nasa friend list ko ay hindi ko naman kilala dahil nag-friend request lang sila sa akin at ako naman ay pa-confirm-confirm lang. Wala naman sigurong masama ro'n, e.


Wala namang kakaiba sa Facebook ko. Puro nga lang memes at hugot ang nakikita ko ngayon sa newsfeed ko. Hindi naman ako maka-relate sa mga 'to dahil never ko pang na-eexperience ang naexperience nila. Nag-iiscroll down lang ako hanggang sa may nakita akong isang post.


Ahrianne Ember

5 mins ago


Gawa ako gc, sino gustong magjoin?


Like      Comment      Share

Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now