chapter viii

55 5 4
                                    

Zahara Ellis

Nakatulala lang ako ngayon habang nakatapat sa laptop ko. Iniisip ko pa rin 'yong nangyari kanina. Gusto kong magsorry sa nagawa ko sa kaniya, sa pagiging rude ko. Kaso sa pakikipagkilala pa nga lang nahihirapan na ako, paghingi pa kaya ng tawad.


Malalim akong napabuntong hininga at sinubsob na lamang ang mukha ko sa mesa. Ilang minuto ako nakagano'n nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako kung ano 'yon at nakita ko ang profile ni Greyson sa chat heads ko. Tinignan ko 'yon at binasa ang message niya sa akin.


Greyson Kane Rowan

Active Now


Greyson:

Good evening, Miss. P'wede pasurvey?


Naglike-zone na lang ako. Hindi naman kami gaanong nag-uusap sa gc. Kadalasan, si Ahri, Zai at Jhum lang 'yong kakuwentuhan ko roon. May sinend naman siyang link kaya agad ko iyong binuksan. About siya sa pagiging helpful ng mga aso in terms of emotional and mental distress. Halos positive traits ang naisagot ko dahil totoo namang natutulungan ako ni Lucky na makaramdam ng kasiyahan kahit papa'no.


Sa bawat pagsagot ko sa mga tanong ay unti-unti kong napapatanuyan na iba pala talaga ang epekto sa akin ni Lucky. Kahit hindi ko siya aso ay napamahal na rin ako sa kaniya. Hindi ako nakakaramdam ng kalungkutan o loneliness kapag kasama ko siya. Kung pwede ko lang siyang nakawin sa amo niya, gagawin ko, e.


Naalala ko na iba ang pangalan na binigay ng amo niya sa kaniya pero magkalapit naman iyon sa binigay kong pangalan sa kaniya. 


Greyson:

I'm sorry, hindi ko pala natanong kung may aso ka.


Ilang segundo akong nakatitig sa screen. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi naman kasi sa akin si Lucky pero tinuturing kong siyang akin. II try to take a deep breath, hold it for a few seconds, and then exhale. Paulit-ulit ko 'yong ginawa bago ko naisipang reply-an siya.


Me:

I have a dog. Her name is Lucky.


Nakakaproud ipakilala sa iba na may aso ako.


Greyson:

That's cool. I also have a dog and his name is Bam.

Niregalo sa akin ng mother ko.


Me:

Hindi talaga siya sa akin pero lagi ko siyang nakakasama tuwing pumupunta akong park.


Greyson:

Hmm...It's okay, malay mo magkaroon ka rin soon.


Me:

I hope so. I really want to have one.


Greyson:

Lagi mo ba siyang nakakasama?

Are you always in the park?

Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now