Epilogue

77 2 0
                                    

ZAHARA ELLIS


"Zahara! Kain na tayo." Rinig kong sigaw ni ate Ahrianne mula ro'n sa cottage namin. Napangiti ako at mabilis na tumakbo papunta sa p'westo nila dahilan para madama ko ang lamig ng hangin.


"Dito ka sa akin tumabi Zahara," pag-anyaya sa akin ni Jhumela sa akin. Uupo na sana ako nang biglang kumapit sa braso ko si Zai.


"Sa 'kin ka tumabi, mas mahangin sa puwesto ko," pagpipilit naman niya.


"Hay naku, Zai. Mahangin naman talaga rito," pambabara sa kaniya ni Jhumela.


"Huwag mong pansinin 'yan. Tara, upo na tayo," saad niya sabay hila sa akin pero kumapit din sa kabila kong braso si Jhumela.


"Sa akin siya tatabi."


"Sa akin!"


"Magsitigil na kayong dalawa riyan. Paparating na 'yong may-ari," pagsuway sa kanila ni Ahrianne. Napatingin naman kami sa tinuro niya at bumungad sa akin ang mala-anghel na mukha ni Hendrix.


"Ay lugi. Wala na, olats na tayo, Zai," pagsuko ni Jhumela. Napatango na lang din si Zai at sabay nila akong binitawan.


"Tayo na lang magtabi," anyaya sa kaniya ni Jhumela.


"Sorry, tatabi na lang ako sa jowa ko," saad ni Zai sabay kapit sa braso ni Ethan. Mukha namang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Jhumela.


"E, 'di ako na single. Napaka-unfair naman ng buhay, oh!" Napatawa na lang kami sa sinabi niya.


"Maghihiwalay rin naman kayo." Agad naman namin siyang sinamaan ng tingin kaya halos matumba na siya sa kinauupuan niya.


"Sabi ko nga, lalamon na lang ako hehe."


Napailing na lang ako nang may naramdaman akong humapit sa bewang ko. Napatingin ako kay Hendrix at hinalikan ako sa noo.


"Nasa'n sila Mama at Kuya?" tanong ko sa kaniya. Tinuro niya naman 'yong kabilang cottage kung nasa'n sila nakapuwesto. Kasama rin naman sila Felix at Leo.


"Ba't ba nainlove kayong dalawa, ha? E, para naman kayong aso't pusa sa gc?" tanong ni Jhumela kela ate Ahrianne at kuya Beau. Yes, naging sila rin after so many years. Mga in-denial kasi sila masiyado, e, halata namang inlove na inlove na sila sa isa't isa.


"Gano'n talaga, masiyado raw kasi akong pogi kaya nainlove siya," pagmamayabang naman ni Beau habang inaayos na ang pagkakainan namin.


"Pogi? Teh, sa'n banda? Napakalakas na ng hangin ha, 'wag mo ng dagdagan. Please lang," pambabara naman sa kaniya ni Ate Ahrianne.


Kahit naging sila na 'di pa rin mawawala ang pagbabardagulan nilang dalawa.


Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now