chapter xiii

67 4 18
                                    

ZAHARA ELLIS


"Guys, sinong p'wedeng mainterview sa inyo?" Rinig kong tanong ni Ate Ahrianne. Nasa google meet kasi kami ngayon. Nag-aya sila na mag-group study kami kasi nabuburyo na raw silang magsagot ng modules nang mag-isa.


"About ba sa'n?" tanong ni Jhumela. Nag-oopen mic lang sila pero 'di naka-open ng camera. Baka raw kasi maubos agad load nila.


Kaming apat lang na babae lang ang nandito dahil busy 'yong dalawang boys.


"About sa love." Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa 'king narinig. Love?


"Kaya kung sino man ang may abunjing-abunjing d'yan. Magpa-interview na," natatawang turan ni Ate Ahrianne.


"Sana all na lang," sagot ni Jhumela.


"Me!" Biglang turan ni Zai.


Sana all nga.


"Proud," ani Ahrianne.


"Naman!"


"So, ito na nga..."


Tinanong na siya ni Ate Ahrianne. Kung paano nagkakilala si Zai at 'yong syota niya na si Ethan. Childhood sweetheart daw sila kaya medyo matagal-tagal na rin silang nagsama.


"How do you know that you are in love with him?"


"I feel safe when I'm with him. Lagi ko siyang pinagkakatiwalaan."


'Di ko alam pero may biglang pumasok na imahe sa isip ko. He is the person that I can trust. Hindi ako takot na baka mahusgahan niya ako kapag magkasama kami. Lagi niyang pinapadama sa akin na hindi ko na kailangan pang mag-isip ng mga negatibong bagay.


"Life feels more exciting, parang araw-araw na lang laging special sa akin kapag kasama ko siya."


Since I met him, everyday seems a special day for me. Lalo na kapag dinadala niya rito si Lucky at dinadalhan niya ako ng mga paborito kong pagkain. Parang araw-araw ko ng inaabangan 'yon. Although, ilang beses lang kami magkita sa isang linggo dahil may mga priorities kami na kailangan asikasuhin.


"I just want to spend a lot of time with him."


Gusto ko ring makasama siya kasi lagi siyang may baon na kuwento sa akin. Kung anong nangyari sa araw niya at kung sino-sino ang mga nakilala niyang tao. Madalas din sa park kami tumatambay para presko ang hangin o 'di kaya'y nagbabike ulit kami.


"Ano pa?"


"Honestly, I really don't know, e. Hindi ko alam kung paano? Kailan? Basta pagkagising ko na lang ng isang araw. Siya na lagi 'yong nasa isip ko. Parang ang ganda- ganda ng araw ko kapag nakikita ko siya. At higit sa lahat, pangalan niya na 'yong sinisigaw ng puso ko. Cringe man pakinggan pero parang ganiyan talaga nangyari sa akin, e. It's really kind of magical for me.

Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now