chapter xvi

52 3 0
                                    

HENDRIX

"Lucy! come here baby," saad ko habang hawak-hawak ang tali niya. Ngunit hindi niya ako sinunod dahil parang may naamoy siyang pamilyar na bagay sa kaniya. Nilapitan ko siya at nakita ko ang isang diary. Nilibot ko ang paningin ko at nagbabakasakali na makita kung sino ang may-ari nito pero wala namang tao ngayon dito sa park. Binuksan ko 'yon at buti na lang walang lock.


Zahara Ellis


Basa ko sa nakasulat na pangalan do'n. Hindi ito katulad ng ibang diary na may mga nakasulat na kung anong nangyari sa araw niya bagkus ay punung-puno ito ng lyrics, poems, stories at drawings. Sa tingin ko ay hindi bata ang may-ari rito.


Napatingin ako kay Lucy nang bigla siyang tumakbo. Mabilis ko siyang sinundan na tila ba may naamoy ulit. Sa'n naman ako dadalhin ng asong 'to?


Ilang saglit lang ay tumigil kami sa isang pamilyar na bahay. Bahay 'to nila Isaiah, ha? Pa'no 'to nalaman ni Lucy? Kakaibang aso 'to, ha.


Medyo nagulat ako nang bigla siyang tumahol. Bahagya ko naman siyang sinaway kaya tumahimik din. Aalis na sana kami nang biglang bumukas 'yong gate at lumabas do'n ang isang babae.


Tila huminto ang mundo ko ng makita ko siya. Naka-messy bun siya at nakasuot ng white loose shirt. Ang ganda niya. Tila ba kumikinang siya sa paningin ko nang bigla siyang ngumiti sa aso ko ngunit napalitan 'yon ng takot nang makita niya ako.


Nalaman kong kasambahay siya nila Isaiah. Nagtataka man ay nagpakilala ako sa kaniya pero hindi niya tinanggap ang pagpapakilala at muling pumasok sa gate. Napatingin tuloy ako sa diary na hawak ko. Sa kaniya ba 'to?


Lumipas ang araw at muli na naman kaming nagkita. Pinaalaga ko muna sa kaniya si Lucky, tutal 'yon ang pinangalan niya kay Lucy. May OJT na kasi ako ngayon at wala na 'yong kapatid ko para mag-alaga sa kaniya kaya naisipan ko na lang na siya na ang mag-alaga kay Lucky tutal may tiwala sa kaniya ang anak ko.


Kita ko pa rin sa mga mata niya ang kahihiyan at takot kaya nang pauwi na ako ay naisipan kong bilhan siya ng donut dahil naalala ko na isa 'yon sa nakalagay sa diary. Nagbabakasakali na sa kaniya rin 'yon.


Napasuot din ako ng mascot dahil 'yon 'yong binigay sa akin ng manager ko. Isa rin ito sa gusto niyang makita kaya 'di ko muna tinanggal. Nang sunduin ko na si Lucky sa kaniya ay kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata kasabay ng pagbibigay ko sa kaniya ng donut. Parang may kung anong pumiti sa puso ko nang makita ko siyang nakangiti. Nagpaalam na ako sa kaniya at bahagyang bumagsak ang balikat ko dahil parang bigo akong makuha ang pangalan niya.


"Zahara." Napahinto ako nang bigla siyang magsalita.


"Zahara, that's my name," saad niya. Tinanggal ko 'yong ulo ng mascot ko at binigyan siya nang isang matamis na ngiti.


I know it's really yours.


"Beautiful name."


Lumipas ang ilang linggo at palagi kong pinapabantay sa kaniya si Lucky kahit bumalik na ulit sa unit ko 'yong kapatid ko. Gusto ko lang kasi siyang makita. Hindi ko alam pero nagiging buo ang araw ko kapag nakikita ko siyang nakangiti.

Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now