chapter vi

64 5 5
                                    

Zahara Ellis

Months passed and it all seemed like a blur to me. Wala naman gaanong nangyari sa buhay ko. It was exactly the same as it had been before.


Kain. Tulog. Aral.


Although, may pagkakataon na nakakasabay na ako sa usapan ng mga bagong nakilala ko through internet.


Puyaters Squad


Ahrianne:

Mag-iisang buwan na pala tayong nagpaplastikan.


Jhumela:

Gano'n talaga, kailangan nating pagtiyagaan ang isa't isa.


Zai:

Napilitan lang talaga akong i-close kayo


Me:

Ako rin.


Beau:

Kahit ang papanget niyong nilalang, pinagtiya-tiyagaan ko na lang kayo. Kawawa naman kayo kapag walang gwapo sa grupong 'to.


Greyson:

Gago? Ah gago nga.


Beau:

Taena mo, bro. Hindi ka pa sana mamatay... ka na.


Napangiti ako. Sa isang buwan na naming nagcha-chat mas lalong gumagaan ang loob ko sa kanila. Noong una ay pareact-react lang ako magchat dahil natatakot pa ako at nahihiyang makipaghalubilo sa kanila pero unti-unti ay sinusubukan ko naman.


'Di ko pa masasabing nagtagumpay ako dahil may mga instances pa rin na pinag-iisipan ko nang mabuti kung ano 'yong sasabihin ko sa gc namin.


Me:

@Beau, itigil mo na 'yang kakahithit ng katol. Masama 'yan.


Binasa ko ulit 'yong tinype ko. Masyado na ba akong sumobra? Masama ba 'yong mga nagagamit kong words?


Sa kailaliman ng aking isipan ay parang may sariling kaluluwa ang daliri ko at napindot 'yong send. Gumaan ang pakiramdam ko ng i-haha react ng iilan 'yong sinabi ko.


Ahrianne:

'Di mo lang ata hinihithit 'yong katol, e. Kinakain mo pa ata.


Jhumela:

Parang ito na ata 'yong time na iremove ang kalat sa gc na 'to.


Zai:

Agree! Para naman luminis-linis at makasinghap na tayo ng sariwang hangin.


Greyson:

Yup! Puro na kasi pollution dito, e.

Silence in the Ocean DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon