chapter xv

55 2 0
                                    

ZAHARA ELLIS


Malalim na ang gabi. Nakatingala lang ako sa mga bituin sa kalangitan. Hindi katulad kanina ay wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko. Naglakad ako sa pinong buhangin habang papalapit sa may batuhan.


Ang pagragasa ng alon ang unang bumungad sa paningin ko. Tahimik akong umupo sa may batuhan habang dinadama ang malamig na hangin.


Siguro nga, nararapat lang sa akin ang mapag-isa. Walang kaibigan, walang kasama.


Naisipan kong kunin ang cellphone ko sa bulsa ko at may pinindot na file upang panoorin 'yon.


"Ehem... ehem! Hi po sa future na Zahara Ellis. Siguro ang ganda-ganda mo na ngayon." Nagsimula na namang mamuo ang luha ko nang makita ko ang 10 years old self ko. Nakangiti siya habang hawak-hawak ang camera.


"Hihi, sabi ni teacher magvideo raw kami para raw sa future self namin. Hindi ko naman alam sasabihin ko," nakangusong turan ng batang ako. Mayamaya ay may biglang pumasok sa kwarto ko.


"Ellis! Kain na- Bakit nagvivideo ang baby girl ko? Para sa'n 'yan, anak?" Tuluyan ng bumuhos ang luha ko nang makita ko si Papa sa video. Ang sigla-sigla niya pa rito.


"Pa, huwag ka pong manood, nahihiya po ako," nakangusong turan ko


"Dalaga na talaga ang baby girl ko. Nahihiya na siya," saad niya sabay kiliti sa akin.


"Papa, stop na po HAHAHA," malakas kong tawa habang patuloy pa rin siya sa pangingiliti sa akin.


"Gagawa pa po ako ng video." Tumigil naman na siya sa pangingiliti sa akin. At umayos na ng upo sa tabi ko.


"Para sa'n ba 'yan, 'nak?" nagtatakang tanong ni Papa.


"Kasi po, sabi po ng teacher namin ay gagawa raw po kami ng video message para po sa future self namin 10 years from now po."


"Uhuh! Start ka na, papanoorin ka ni Papa."


"Ihh! Nahihiya po ako."


"Okay, tatalikod si Papa." Tumalikod nga siya. Wala na akong nagawa kung 'di magvideo na lang din. Alam ko kasing 'di aalis si Papa.


"Hi future Zahara! Ang message ko sa 'yo ay... Pa! Anong sasabihin ko po?" tanong ko dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.


"Sabihin mo lang kung anong gustong sabihin ng puso mo." Napatango-tango na lang ako at muling humarap sa camera.


"Gusto kong sabihin sa 'yo na sana umm... marami ka ng friends kasi ngayon ang dami-dami ko ng friends kaya higitan mo 'yon, ha. Mga one thousand million trillion dollars. Ang saya mo siguro dahil ang dami-dami mong friends. Tapos siguro may syota ka na rin."

Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now