chapter xi

57 4 10
                                    

Zahara Ellis


"Lucky!" sigaw ko nang dambahin niya ako kaya medyo napaatras ako dahil ang bigat niya. Iniiwas-iwas ko pa ang mukha ko dahil pilit niya iyong dinidilaan.


"Dito muna ulit si Lucky," saad ni Hendrix. Sabi niya kasi huwag ko na raw siyang tawaging kuya. Ilang linggo na rin niyang laging dinadala rito si Lucky. At ang saya lang dahil may nakakasama na ako sa bahay. Sinubukan ko na rin ipaalam ito kela Mama at pumayag naman sila.


"Btw, kailan daw makakauwi si Isaiah?" Si Kuya? Nagsabi pala 'yon sa amin na ro'n na lang daw siya mag oojt at baka sa susunod pa na buwan siya makakauwi. Nagtataka ako ba't 'di sumama si Hendrix, e.


"Umm... sabi ni Ma'am at Sir ay baka raw sa susunod na buwan." Medyo nauutal kong sabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na kapatid ko si Isaiah. Ang alam niya lang ay kasambahay nila ako.


Hindi na rin ako gaanong namumula, namamawis o nanginginig kapag kausap siya. Bumibilis na lang 'yong tibok ng puso ko, marahil sa kaba na baka magkamali ako sa harap niya at i-judge ako pero sa pamamaraan nang pagtingin niya ay parang may ibang pinapahiwatig.


"Cute," mahina niyang bulong pero sapat na para marinig ko. Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang strap ng bag niya na nakasabit lang sa kaliwa niyang balikat habang ang kanang kamay nito ay nakapamulsa sa itim niyang pants.


"Umm, pasok ka na po," mahina kong saad.


"'Di ba sabi ko sa 'yo, 'wag ka ng mag-po," nakangiti niyang turan. Please lang 'wag kang ngumiti, nakakatunaw, e.


"Opo ay este, oo." Mas lalong lumawak ang ngiti niya na parang tuwang-tuwa sa kinikilos ko.


"Lucky," tawag niya sa aso niya. Lucky na rin ang tawag niya dahil kapag daw tinatawag niya raw itong Lucy ay hindi na ito sumusunod sa kaniya. Lumapit naman sa kaniya si Lucky kaya tinap niya ang ulo nito.


"Pakabait ka, ha. Magtatrabaho lang si Daddy. Huwag kang makulit kay Mommy," saad nito at parang may binulong sa bandang huli kaso 'di ko na narinig. Lumapit na sa tabi ko si Lucky at tinignan ang papalayong pigura ni Hendrix.


"Tara Lucky, papakainin na kita. Para hindi mag-alala sa 'yo ang Daddy mo," saad ko bago ko siya hinila sa loob.


Mabilis lumipas ang oras, magtatanghali na. Papakainin ko na sana si Lucky nang may narinig akong ingay sa labas.


"Ang aga mo naman?" turan ko nang bumungad sa akin ang pawisang mukha ni Hendrix. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi na ako gaanong nauutal sa harapan niya pero katulad kanina, paminsan-minsan nauutal pa rin ako. Napangiti ako sa isipan ko, malaking progress na kasi 'to sa akin.


"Half day lang kasi ako ngayon. May importante kasi akong gagawin," nakangiti niyang turan sa akin habang pinupunasan ang pawis niya. Tumakbo naman papalapit sa kaniya si Lucky kaya napayuko siya at hinimas ang ulo nito.


"Busy ka ba ngayon," bigla niyang turan sabay angat ng tingin sa akin. Napaisip naman ako sa schedule ko. Halos tapos ko na rin naman lahat ng activities ko at wala rin kaming online class ngayon.

Silence in the Ocean DepthWhere stories live. Discover now