chapter x

64 5 14
                                    


ZAHARA ELLIS

"Anak, paki-abot nga 'yong kawali riyan," utos sa akin ni Mama. Yumuko naman ako at sinilip sa ilalim ng kitchen counter 'yong kawali. Kinuha ko 'yon at binigay sa kaniya.


"Ellis 'nak, pakikuha nga 'yong martilyo ko riyan." Rinig ko namang utos ni Papa. Sinilip ko muli ang ilalim ng kitchen counter at kinuha roon ang tool box ni Papa. Dinala ko na lahat ng 'yon sa kaniya para hindi niya na ipakuha sa akin 'yong iba. Paisa-isa kasi siya sa pag-utos, e.


Kasalukuyan kasi sila ngayong naghahanda para sa pagbisita ng tita at mga pinsan ko na galing abroad. Inaayos ni Papa 'yong mga frame rito sa bahay habang si Mama naman ay nagluluto. Habang ako ay tumutulong na lang sa paglilinis ng bahay. Ang unfair ni kuya dahil nakatakas siya rito. Ako tuloy utusan dito sa bahay.


Malapit na akong matapos sa ginagawa ko, nagwawalis na lang ako at pagkatapos nito ay aakyat na ako sa taas para makaiwas na mautusan. Halos ilang oras na rin kasi ako naglilinis kaya deserve kong magpahinga. Nang tuluyan na akong makatapos sa ginagawa ko ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa taas.


'Di rin pala ako makakapagpahinga dahil balak ko ring maglinis ng kwarto ko. Medyo magulo na kasi, e. Nakakatamad din kasi maglinis minsan lalo na kapag may klase. Mas inuuna ko muna 'yon bago linisin ang kwarto ko. Balak ko na lang din kasi magkulong dito hanggang mamaya. Ayaw kong magpakita sa iba kong kapamilya dahil masakit sila magsalita pero para sa kanila ay biro-biro lang.


Hindi ko alam ba't gano'n ugali nila kaya hindi talaga ako close sa mga kapamilya nila Mama at Papa, e.


Hindi muna ako naglinis kaya binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at nagcellphone muna. Naalala ko tuloy 'yong nangyari noong nakaraang araw. Siya rin kasi 'yong lalaking nakakatitigan ko nang matagal.


Ang gwapo niya pala talaga.


Ilang beses ko na rin kasing naririnig ang pangalan niya kay Kuya pero hindi ko man lang magawang tignan siya noon. Lagi kasi akong nagkukulong at hindi gumagawa ng ingay kapag nandito sila nakatambay.


Sinubukan kong i-search ang pangalan niya sa Facebook. Bumungad sa akin ang profile niya na may higit na isang daang libo na followers. Sikat pala siya pero ba't si Kuya hindi? O hindi ko lang talaga siya ini-istalk. Sawa na kasi ako tignan pagmumukha no'n.


Pinagpatuloy ko na lang ang pag-iistalk sa kaniya at wala naman siyang gaanong post dito tungkol sa sarili niya. Puro announcement lang kung sa'n sila magpeperform.


Napahinto ako sa isang picture na kasalukuyan niyang profile pic ngayon. Nakaside-view siya habang nakasandal sa isang dingding. Simple lang ang pagkuha sa kaniya ng picture pero ang lakas ng dating. Halos karamihan sa comment section ay pinupuri siya.


"Anak! Kain na. Nand'yan na ang tita at mga pinsan mo." Napatingin ako sa pintuan nang buksan iyon ni Mama at bahagyang sumilip mula sa labas.


Umiling na lang ako, "Mamaya na lang po,"


Silence in the Ocean DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon