chapter ix

59 5 3
                                    

Zahara Ellis

"Huwag!" sigaw ko nang makitang iihian na ni Lucky 'yong basahan namin. Naghahanda ako ngayon ng pagkain niya at patingin-tingin ako sa pwesto niya dahil mukhang hindi siya mapakali. 'Yon pala ay may balak ng umihi sa basahan namin. Hindi pa naman alam ni Mama na may aso akong dinala rito sa bahay. Paniguradong malalagot ako sa kaniya.


Buti na lang talaga at 'di nakaihi si Lucky roon kaya binuksan ko ang pinto at pinalabas muna siya. Nakita ko namang naka-ihi na siya sa may damuhan kaya agad ko siyang pinapasok sa bahay.


Hindi ko alam kung anong ipapakain sa kaniya dahil wala naman na akong dog food. Hindi ko rin matanong amo nito dahil wala naman akong number niya.


"Lucky!" Tawag ko sa pangalan niya sabay baba ng hinanda kong pagkain sa sahig. Magana naman siyang kumain dahil puro karne ang nilagay ko. Buti na lang at may natira pang ulam kaninang umaga kaya 'yon na lang pinakain ko sa kaniya.


Habang kumakain siya ay sinubukan ko siyang kuhanan ng video at minyday ito. Naka-custom lang ito at tanging sila ate Ahrianne at members ng Puyaters Squad ang nakakikita ng myday ko.


Ilang saglit pa ay may nagreply na roon.


Greyson:

Cutie...


Nagheart react na lang ako sa message niya dahil hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kaniya. Pero nagchat ulit siya.


Greyson:

Is she already yours?


Me:

Nope. Pinabantay lang sa akin ng amo niya.


Greyson:

Huwag mo na lang ibalik sa kaniya.

Just kidding.


Me:

Parang gusto ngang gawin.

Greyson:

Gawin mo. Magpademonyo ka sa akin.


Napailing na lang ako habang nakapaskil sa aking labi ang isang malawak na ngiti. Ang saya at ang komportable niyang kausap.


Napatingin ako kay Lucky nang tumahol ito. Winawagayway niya ang buntot niya habang nakatingin sa akin. Napansin kong naubos na niya ang pagkain niya kinuha ko ang lalagyanan na 'yon at hinugasan ko. Pagkatapos ay nilagyan ko na ng malamig na tubig para pag-inuman niya.


Lumipas ang oras at kasalukuyan ako ngayong gumagawa ng mga activities ko. Nandito ako ngayon sa sala gumagawa dahil bawal ko namang iwanan dito mag-isa si Lucky. Ayaw ko naman siyang dalhin sa kwarto dahil baka magkalat pa siya roon.


Ngayon ko lang napagtanto na may times na 'yong aso pa nagiging dahilan ng stress mo dahil ang kulit niya pero minsan naman ay nanlalambing siya. Pahinto-hinto ako sa ginagawa ko dahil patuloy pa rin kaming nagchachat ni Greyson. Ang dami kong nalaman sa kaniya at unti-unti kong napagtatanto na ang daldal niya pala talaga. Noong bago pa lang kami sa gc ay parehas kaming dalawa na tahimik lang at hindi nakikisabay sa ingay noong apat. Pero ngayon, mas madaldal pa pala siya sa apat na 'yon.

Silence in the Ocean DepthΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα