chapter xiv

62 1 0
                                    

ZAHARA ELLIS


Halos mangalay na ako sa kinatatayuan ko ngayon. Pero 'di ko iniinda 'yon dahil sa isang himig na nangingibabaw sa lugar na ito. Ngayon ko lang siyang makitang kumanta dahil dati-rati ay nakikinig lang ako sa kanila mula sa loob ng kwarto ko. Sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Sa wakas nahanap na rin kita. Ang pamilyar mong boses na nagpapakalma at nagpapabilis din ng tibok ng puso ko.


Napakalumanay nito na tila ba nagpapagaan sa kinakabahan kong puso. Nakasandal ako ngayon dito sa puno habang pinagmamasdan silang kumakanta. Masasabi kong malayo ang mararating nila dahil kitang-kita ko ang pagmamahal nila sa musika.


Siguro sa future, marami na silang fans at may mga albums na rin sila. Gusto kong makita silang umangat dahil nando'n din si kuya. Alam kong pangarap niyang maging kilala silang banda rito sa Pilipinas. Kitang-kita ko rin kasi ang paghihirap nila sa pag-eensayo, 'yong lagi silang nasisiraan ng gamit at kung pa'no nila pinagsasabay ang pag-aaral at pagmamahal nila sa musika. Alam ko na malapit na nilang matupad 'yon. At sana handa na rin akong magpakita sa kanila.


Napapikit ako nang maramdaman ko ang hanging dumapo sa balat ko kasabay nang malakas na sigawan ng mga tao rito nang matapos ng magperform sila kuya. Palihim naman akong ngumiti. Nakaka-proud lang kasi marami-raming tao na rin ang nakaka-appreciate sa kanila.


Kinuha ko naman ang cellphone sa bulsa ko at chinat si Hendrix. Nakita ko na rin kasing paalis na 'yong van nila kuya pero nagpaiwan pa ata siya.


To Hendrix:

Nandito na ako. Saglit lang 'to, may bibigay lang ako.


Pagkatapos ay sinend ko na ito sa kaniya. Naseen niya naman kaya pumunta na ako ro'n sa palagian naming p'westo. Malayo-layo iyon sa pinaka-party kaya medyo tahimik na sa lugar na 'to. Umupo ako sa may bench doon at hinintay siya. Mayamaya ay may narinig akong yabag ng isang tao kaya tumayo na ako at ngumiting humarap sa kaniya.


Ngunit nawala ang ngiti ko ng makita ang isang 'di pamilyar na mukha ng isang babae. Mahaba ang kulutan nitong buhok at kitang-kita ang kurbada niyang katawan sa suot niyang red na dress.


"So, ikaw pala ang lumalandi sa boyfriend ko?" mataray na saad nito sa akin. Sinong boyfriend? Wala naman akong nilalandi, ha?


Hindi ako sumagot, hindi ko rin naman kasi alam kung sino 'yong tinutukoy niya, e. Pero kahit na gano'n pa man ay nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko.


"Answer me, you bitch!" nanggigitgit na turan nito. Nanlilisik ang mga mata niya na para bang gusto na akong sabunutan.


"Ikaw na babae ka ang dahilan kung bakit nagiging cold sa akin si Hendrix!" Si Hendrix? Boyfriend niya si Hendrix?


"Alagad ka ba ng mga ahas, ha? Napakalandi mo kasing babae ka at balak mo pang agawin sa akin 'yong boyfriend ko. Bakit? Ano bang pinagmamalaki mo? E, ang panget-panget mo naman?" Sinubukan kong humugot ng isang malalim na buntong-hininga dahil unti-unti ng sumisikip ang dibdib ko. Ramdam na ramdam ko na rin ang pamumula ng mukha ko at ang pagtuyot ng lalamunan ko. Umiinit na rin ang sulok ng mata ko na para bang may nagbabadyang luha na nais ng kumawala.

Silence in the Ocean Depthजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें