ZAHARA ELLIS
Kinabukasan ay nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Nakalimutan ko pa lang i-power off kagabi. Papikit-pikit pa ang mga mata ko nang kapain ko ang cellphone sa gilid ko. Ang bigat pa ng talukap ko at parang gusto ko pang matulog.
Bakit ba kasi ako nagpuyat? Hayst...
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tinignan agad ang phone ko. Unang bumungad sa akin ang messages sa gc namin.
Puyaters Squad
2:34 a.m.
Jhumela:
May gising pa ba rito?
Wala na?
Btw, good morning kahit wala pang araw.
6:34 a.m.
Ahrianne:
Jusqhin... @Jhumela
Akala ko ba matutulog ka na no'ng 11 p.m.?
Jhumela:
Good morning, Ahri.
Prankster ako, e. hahahaha
Scam lang 'yong matutulog na ako.
Ahrianne:
At gising ka pa ngayon, ha.
Sabihin mo nga sa akin, natulog ka ba?
Jhumela:
Hehe
Hende...
Ahrianne:
Abangan mo na lang kami kung sa'n ka mapupunta, ha. Halatang nangunguna ka na sa
listahan.
Zai:
GOOD MORNING, GUYS!
Ahrianne:
Good morning, Zai.
Jhumela:
Good morninggg
Zai:
Magbreakfast na kayo.
Ahrianne:
Milo at Fita lang sapat na.
Jhumela:
Hala! Nag-uumagahan kayo?
Ahrianne:
Sarap mong kurutin sa singit, Jhum.
Jhumela:
Buti na lang wala akong singit charot hahahaha
YOU ARE READING
Silence in the Ocean Depth
Teen FictionSilence... Darkness... Sorrow. Zahara Ellis Taylor just wanted to be happy, but fate had other plans for her. She is a nineteen-year-old girl who prefers to be alone and finds it difficult to forget her traumatic past that keeps on holding her back...