1

70 1 0
                                    

John B. Lacson Foundation Maritime University. 

Halos gusto kong lumuhod at umiyak sa sobrang tuwa habang binabasa ang pangalan ng eskwelahang iyon sa papel. It's my dream to be here. 

Mula sa public school hanggang sa napadpad ako sa private school, parang nagbago ang ihip ng hangin. Para akong nalilito sa laki ng paaralang napasukan at dahil walang kilala, masyadong panibago lahat ang nasa paningin ko.

Grabe, Lord. Ganito pala talaga kaganda ang paaralang bukambibig ng ibang estudyante sa school namin dati. Mas lalo tuloy akong ginanahan sa pagpasok. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa first day of class!

Nakaupo ako sa labas ng clinic. May mga iba akong estudyanteng kasama at mukhang clinic din ang bagsak. Sa lahat ng nandito, ako lang ang masyadong baduy ang damit.

Nakasuot ako ng puting maluwag na t-shirt tapos pantalon na halos matanggal na ang kulay.

Dinagdagan pa ng luma kong puting sapatos.

Okay lang na hindi magmukhang mayaman. At least, mag-aaral ako ng mabuti.

Pumasok na ako sa loob ng clinic nang nakalabas na iyong isang estudyante mula sa loob. I made my way inside and didn't see someone.

Kinakabahan pa naman ako dahil hindi ko alam kung anong itatawag ko. Malawak ang clinic pero parang walang tao at walang ingay. Nakakahiya tuloy sumigaw rito, jusko naman.

"Uhh, tao po?" I cleared my throat to steal the attention of whoever can hear me. Bitbit ko ang clear envelope na naglalaman ng lahat na requirements.

Sandali akong naghintay sa bench na naroon. Dahan-dahan ang pag-upo ko dahil kinakabahang baka masira. Ang hirap naman kasi kapag hindi ko saulo ang paaralan. Lahat yata ng parte ng katawan ko ay naninibago.

Ngunit hindi pa man nakakaupo ng tuluyan ang pwet ko ay siya namang pagbukas ng pintuan hindi kalayuan sa akin, niluwa ang isang estudyante na may nakadikit na cotton sa bandang braso. Napatakip tuloy ako sa bibig sa gulat!

"Ay, good morning, sir—uh, sa'yo," ang tanging naisabi ko saka pinanatili na lang ang tayo. Hindi man lang ito nagulat sa pagkakita sa akin at tuloy-tuloy lang ang lakad papunta sa gawi ko.

Hala siya. Hindi naman intimidating ang dating pero mas dumagdag ang pagiging kabado ko. Jusko, lahat na lang ba kabado rito?

"Please wait here, Mr. Cahstelan. Siguro naman makakahintay ka ng hindi katagalan dito?" Nakinig ako sa usapan nila nung lalaki. Para akong binalewala dahil hindi ako napansin.

"Yes naman, sir. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Hehe." Tinanguan nito iyong lalaking kaharap saka sumaludo. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa dahil nakakabastos kung bigla naman akong aalis dito.

"Uh, sir? Magpapakuha po sana ng dugo sa inyo. Sorry po sa istorbo," mahina kong sabi saka nginitian ng kaunti ito. He lowered down his glasses a bit and took a good view of me.

"What course, miss? First year ka?"

"Opo sir. CSM po course ko," agaran kong sagot. Tumango ito sa akin.

"Wait me here also together with Mr. Cahstelan. I'll be here after a minute." Tumango na rin ako roon bago ito lumabas ng clinic. Doon lang ako tuluyang naupo sa mahabang upuan at nilapag ang envelope sa tabi ko.

Sinundan ko ng tingin iyong kasama kong lalaki. Nakahawak pa rin ito sa cotton na nasa braso niya saka naupo sa tabi ko, ilang metro lang ang layo sa akin.

Mula ulo hanggang paa, walang kapintasan. May kaunting kahabaan ang buhok pero hindi naman nakakapangit iyon sa kanya saka may kataasan din.

Tourism ba kinukuha niya?

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now