3

30 0 0
                                    

Matapang. Para sa isang newbie sa isang eskwelahan, napamangha niya ako sa angking katapangan niyang ipinakita sa pamamagitan ng pagtulong sa akin.

Walking to the convenience store while carrying all my things, I breathed in and breathed out as I saw him sitting inside. Nanatili akong nakatingin sa kanya sa malayuan, hinihintay kung anong gagawin nito.

Siguro ay nanatili ako roon sa labas ng halos ilang minuto habang inoobserba lahat ng nagiging kilos niya. He's fiddling with his phone at todo vibrate naman ang phone ko. He's texting me, probably unaware that I am outside already.

Malalapad ang ngiti nito habang nagtitipa ng bawat mensahe sa akin. I bit my lip as I felt all the awkwardness slowly eating me. Kaya bago pa ako tuluyang sikatan ng araw rito, nagdesisyon na akong pumasok.

He immediately stopped touching his phone the moment I went inside. Tumayo ito saka sinalubong ako na para akong isang importanteng bisita.

"Thanks, God! Akala ko indianin mo na ako, eh! Sayang efforts ko sis if ever," reklamo nito na mukhang nainip na sa kahihintay na sa akin. Tumango lang ako saka ako nito iginiya sa upuan.

Nilapag ko lahat ng mga papel na dala ko. Bumili na lang ako ng maiinom upang kahit papaano ay hindi masayang ang pagpunta rito.

Inaayos nito lahat ng papel na nasa table nang makabalik na ako. He grabbed my ballpen and started inspecting my papers. Tinakbo ko ang distansya na natitira bago naupo na.

"Accounting. Hmm. Sino ba teacher niyo? Sir Belvis ba?" he asked me as he keeps on staring deeply at the problem my teacher has given me. Tumango ako nang wala sa oras.

"Teacher mo dati? Mabait ba?"

"Oo, mabait 'yon. Nagmumura lang pero sinasabi ko sa'yo, the best teacher 'yan sa accounting."

Huminga ako ng malalim, inagaw sa kanya iyong papel ko. Katulad niya, masakit din ang titig na iginawad ko sa problem na ibinigay.

Wala. Nag-lecture naman si sir sa amin pero hindi ko ma-gets talaga. I am too slow to understand solvings. Nanghihina ako tuwing nakikita ang problem basta related sa math. Para akong unti-unting pinapatay.

"Pa'no ba 'to? Kailangan balance daw. Hindi naman ako makatanong sa kaklase ko kasi buong sagot iyong binibigay niya sa akin. Walang explanation," malumanay kong sabi. Nanghihina ang boses ko sa sunod-sunod na mga gawain.

I mean, nagpapasalamat ako kasi may sagot akong nakukuha pero ayoko iyong sinusubo ako ng ganoon. Gusto ko pa ring matuto.

"Basic lang 'yan! Lika, turuan kita," tumayo ito saka lumipat sa tabi ko. Inusog niya ako ng kaunti saka hinablot iyong papel sa harap niya. He started writing something on the paper. Ipinakita niya sa akin iyon kalaunan.

"Alam ko na ang debit at credit. Ang problema ko, paano ko ilalagay iyong mga given dyan? Ang complicated naman kasing intindihin."

"Madali lang. Naintindihan mo naman na, 'di ba? Sample sa una, iyong capital, 150k. So saan mo ilalagay na part siya?" Gumuhit siya ng table habang ako ay nakamasid lang doon.

Bawat guhit ay pinakatitigan ko talaga, hindi iniiwas ang tingin dahil baka may makaligtaan. Parang isang advantage na siya ang nagtuturo sa akin ngayon. Mas may kaunting naintindihan ako kahit papaano.

"Capital," sagot ko saka nito isinulat sa papel.

"Hindi ba't dapat balance siya? So ngayon, saang column natin siya ilalagay ulit para balance na? Dapat sa assets na side ha?"

"Uh, cash ba?" sagot ko kahit na hindi ko gets medyo ang sinasabi niya.

"Yes! Tumpak ka! Kasi capital niya iyon at hindi naman niya inutang, okay?" He wrote it again and then proceeded to the other given. Pilit niyang pinaintindi sa akin ang mga sentences and so far, may nakukuha akong progress.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now