9

12 1 0
                                    

Uwi ka na? Marami kayo sis?

Uy, reps naman dyan. Deserve ko ng reps mo sis.

May chika ako kapag sabay tayong uwi mamaya.

Ay wait. Enjoy nga pala. Huhu, sorry medyo makulit lang tonight.

Four messages.

Four.

Apat.

Iyon ang tawag ng mga tao sa kanya sa eskwelahan at pati ako, napatawag na rin sa kanya ng ganoon. Tumitig ako sa screen ng phone habang paulit-ulit na binasa iyon.

Kanina pa iyon at hindi na ito online. I've seen the messages already and I am not replying because I want to spend my night without thinking anything aside from my tita.

Alam din naman ni tita na narito ako ngayon. She's giving me a freedom as long as she knows that I am not going out with someone who's from the Marine Engineering.

At iyon ang problema. Hindi niya kilala si Four. What's wrong is that I am being close to him now. Ano na lang sasabihin sa akin ng tita ko kapag nalaman niya?

That I was being dragged by Four with his charms? Na baka magaya rin ako sa kanya sakali?

Just by staring at his messages, I realized that it is not just me who's being fascinated by the presence of someone. We are both fascinated by each other's presence. I don't know if this is possible to both of us since we're not still in the middle of our college year.

I inhaled a deep breath and then continued staring at his messages. Walang ano-ano'y may lumabas na tatlong tuldok. Three moving dots indicating that he's typing something.

Nanlaki ang mata ko roon saka agad-agad na pinindot ang back na button. Hindi pa man nakakailang segundo ang paglapag ng phone ko ay kaagad na itong nag-vibrate.

Napapikit na lang ako dahil sunod-sunod ito ngayon, binabaha na naman ako ng mga mensahe.

It's not that I am not interested just by seeing his messages. Sadyang naninibago dahil ngayon lang yata nagvibrate ng ganitong magkasunod-sunod ang phone ko. My phone's too peaceful for the past years aside lang sa mga tawag ni tita sa akin.

Dito ako sa labas kung saan kayo sis. Sa loob ka pa?

Hoy, baka nilamon ka na ng banyo dyan? Lasing ka? Pasabi if ever para may tagahagod ka ng likod sakali. HAHAHAHA

Ano? Do you still have sober thoughts ba? O sober pa ang state mo? Ano? Ano?

Grabe, hindi ka naman gold para hindi mo ako replyan, Alaine :(

Joke lang. Pasok ako? Sa loob ka pa ba? Or antayin kita dito kapag lumabas ka na?

Hays, grabe. Tell me if pauwi ka na sis. Antay ako rito sa labas ha.

Who the hell told him to wait outside? I mean, wala naman akong sinabing sasabay kami ng uwi. As in wala kaya bakit ganito kataas ang confidence niya?

Hindi rin naman ako lasing. Iyong iba kong kasama, oo. Masyado naman kasi nilang pinasobrahan ang sarili para raw makalimot sa lahat ng activities kahit isang gabi lang. Oo, ganito yata sila ma-stress. And I'm thankful since part ng celebration iyong pagiging third place ko kanina.

This is a celebration after all and a moment of forgetting everything at the same time.

Paglipas ng ilang araw, makikita ko 'tong mga 'to na nagpapakapagod pa ring makapag-aral. They'll stress themselves again with the deadlines.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now