8

11 2 1
                                    

Normal akong bumaba ng entablado pagkatapos ng event. Syempre, napagod ako kakaupo roon sa itaas. Nasulit lang nang nakuha ko ang third place na award kaya't iyong section ko, halos maglupasay na sa tuwa nang nadinig nila ang pangalan ko kanina.

Well, hindi naman dapat sana kasama ang department ng Marine Engineering kung hindi dahil kay Four. Since malapit siya kanina sa entablado tapos kasama niya pa si Dos pati ang ibang kaklase niya na mukhang sinabihan niyang suportahan ako, mas lalong dumagundong lang ang venue kanina.

Siya ang nanguna! Mas malakas ang sigaw niya kanina!

"Uy, congratulations, Hiraeia Alaine! Grabe, parang tuwang-tuwa akong nanay sa'yo!" he welcomed me with the tightest hug he have given me, not letting me breathe properly.

Napasinghap ako ng wala sa oras saka napahawak sa balikat niya, kumukuha ng balanse dahil wala itong balak na luwagan man lang ang yakap. He's that proud of me! Sobrang proud ni Four sa akin!

"I'm so proud of you! Shiz, ang galing mo kanina! Ililibre ko lahat ng kaklase ko, naku! Talagang deserve nilang ilibreng lahat sa support nila sa'yo kanina!" he exclaimed once again.

Nang tuluyan na nito akong bitawan, doon tumambad sa akin ang kakaibang ngiti niya. This is way different from his smile earlier.

The smile he's giving me now is the sincerest one, the realest and the pure one. Kung paanong mas nadepina ang kanyang panga sa kanyang ngiti ay ganoon din ang kulay ng kanyang mga mata.

The mixed brown and the black is giving me now the goosebumps even if I should not. I am in deep thinking while admiring that simple feature of him even if I should not. Tapos siya, nakangiti ang mga mata habang nilulunod ang sarili sa pagtitig sa akin.

Sa pagtitig sa mukha ko.

What's with my face aside from these tiny pimples?

"Wow, thank you." Napamasahe ako sa leeg habang nakatitig na sa nakarolyong cartolina sa kamay niya. "Baby? Mukha bang anak mo ako?"

"Pfft," nagpigil ng tawa si Dos sa likuran niya. Nagtataka akong tumingin dito pero kaagad ding tumalikod tapos yumuyugyog na ang balikat sa kakatawa.

Hinampas ito ni Four ng cartolina. "Gago, Dos! Ikaw nagsulat nito, ano? Malamang, ikaw lang naman pinasulat ko. Tangina mo malala!"

"Tss. Ayaw pa kunwari. Gustong-gusto naman ng mataba mong utak 'yan, gago. Ang plastic mo masyado," Dos said and then shook his head while smirking and facing us again.

"Oo, kung si Alaine. Sana naman pinaalam mo sa akin kanina, 'di ba? Gagawa ng kilos tapos hindi pinapaalam sa akin? Fake friend naman!"

"Tss. Tumahimik ka nga. Kilala kita kaya dyan ka na at may gagawin pa ako. Siguro naman sapat na ang presensya ko rito kanina? Nag-support na ako sa baby mo." At binalik sa akin ni Dos ang tingin, nang-aasar na binigyan ko lang ng kunot na noo.

Hindi naman ako tanga o bobo sa ganoong bagay. That is an endearment and Four and I are not inside a relationship. I mean, the deeper one.

We're friends. Normal lang ba sa magkaibigan na 'baby' ang tawag? Is that the trend nowadays na hindi ako aware?

"Panira ng moment talaga 'yon. Anyways, may celebration kayo mamaya, hindi ba? Sasama ka sa mga kaklase mo?" he asked me. Inayos ko ang buhok saka tumango sa kanya. Hindi rin ako masyadong makagalaw ng maayos dahil sa takong na suot.

Ewan. Required sa amin, eh.

Pilit ko ring binababa ang black skirt na above the knee. Tapos ang top ko naman, masyadong mainit kaya medyo tumatagaktak ang pawis ko ng kaunti.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now