12

6 1 0
                                    


"Uh-huh, you're a vegan? Puro dahon naman 'yang pinamili mo. Anong benefits ba niyan, eh hindi ka naman kambing?" Sumusunod ito sa akin habang kinukuha ko iyong iilang plastic container ng puro vegetable salad. Nagkibit balikat na lang ako saka hindi sinagot iyong tanong niya.

Yup. Sinamahan niya nga ako rito sa mall kahit na sobrang labag sa loob ko. Mapilit. Sobrang mapilit na pati ako ay nahihirapan nang mag-argumento sa kanya kasi sa huli, siya ang nananalo. Pasalamat na lang siya at hindi masyadong puno ang utak ko ngayon.

Well, that does not change the fact that he considers me as his girlfriend. Hindi uso ligaw ngayong panahon? Instant lahat?

"Okay, according to my research, vegetables can really help. Marami ngang benefits tapos pampa-healthy nga ng lifestyle. And then, as a conclusion, meats are better than these shitty things. Puro dahon, akala mo naman ikinaganda ng—"

"Four, kung hindi ka kumakain ng gulay, pwede kang tumahimik. Hindi ako nakikipagtalo sa opinyon mo kasi nga, mahal ko ang gulay pati ang buhay ko, so, in conclusion, pakitahimik na lang ng bunganga mo please," I interrupted him and gave him a small smile to end the supposed to be debate.

Napaismid ito sa tinugon ko saka binalik sa bulsa ang phone. Totoong gumamit pa ito ng google para lang sabihin sa akin ang punto niya. Gusto ko iyong ginawa niya pero huwag lang ngayon. May atraso pa 'to sa akin, eh. Hindi ko na muna ico-consider ang opinyon niya.

Masasabi kong matalino siyang klaseng tao. He's a good teacher but for now, I won't give attention to his so called opinion.

Dahil mas healthy naman talaga ang gulay.

"You know, you're quite intimidating sometimes. Lalo na kapag tamad kang makinig or hindi interesado sa sinasabi ng ibang tao. Pinanganak kang ganyan?" He offered to help me and so I agreed. Siya na ang bumitbit ng isang plastic which is napakatamang behavior naman.

"Anong magagawa ko? Hindi ko naman gusto kasing makinig na muna sa opinyon mo. You can research things. Hindi iyong makikipagtalo ka pa sa akin para sa isang simpleng bagay. We cannot have a fight here," I answered calmly. Parehong mabagal ang lakad naming dalawa habang lumilibot ang tingin sa ibang mga shops.

Sakto lang ang distansya namin sa isa't isa. Medyo magkalayo at kalkulado ko iyon.

Right after I said my statement, my head turned to him slowly as I felt his skin slowly touches mine. Iyong braso naming dalawa ay tuluyang nagbanggaan at ramdam ko ang lambot no'ng sa kanya. I can feel his slight muscled arms though his shirt is quite loose. Bumalandra sa harap ko ang matamis niyang ngiti, pinapaalala na naman sa akin kung gaano siya ka-blessed nang sinalo niya lahat ng keperpektuhan.

I was at dazed at this moment, savoring every second of his sweet smile and started memorizing one of the most beautiful feature he's got: his more defined and reddish lips that can make me stay right at this place to stare at it forever.

Sobrang lapit. Para akong biglang nawalan ng katinuan. I've seen him in some angles but this one hits so different.

This version of Four is way different.

"Alaine, Alaine. Masyado kitang nahahalata na. Do you like me ba?" he said out of nowhere. Nabalot kaagad ako ng katinuan sa sandaling iyon. Parang sa sandaling nadinig na ang boses niya ay doon na lang bumalik ang katinuan sa akin.

Iniwas ko ang tingin saka nagpigil na ngumiti habang kinakagat ang pang-ibabang labi. Napailing na lang ako habang nauna na sa kanya.

We both went to my house after that. Syempre, hindi na ako nakakontra naman dahil alam kong hindi ito paawat. I only invited him for a thank you. Pasalamat na rin dahil hinatid niya ako kahit medyo malayo ito sa kanila.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now