17

5 1 0
                                    

The kiss that happened between us was like a sin. Well, close enough because we were also close upon doing something. Kahit na iyong napag-usapan lang naman namin ay iyong manood lang ng movie roon. I mean, who can resist Four's lips? More like I was hypnotized by his movements, the way his lips touch mine indicates how he likes doing it.

And I hate the fact that everytime I am staring at it, I cannot keep myself remembering that time when it finally landed on mine. That precious moment was like the rarest one, the most special and feels like it has a need to be treasured.

Oh wow. Mukhang ako na yata ang nabaliw kay Four Cahstelan. How can I feel like this?

The semester's going to an end. Syempre, dahil masyado akong namroblema sa naging performance ko ngayon, nagdadalawang-isip ako kung kailangan ko bang malaman na nadala ako sa dean's lister o hindi.

After that week and that kiss, I started overthinking about my grades and the possibility of being a dean's lister. It is one of my goals. Na kahit ngayong semester lang ay ayos na ako roon. Na iyon na nga lang ang kailangan kong gawin, parang malabo pang mangyari.

"Sus, ikaw pa ba? Kaya mo 'yan! Ano na lang ang silbi ng pagtuturo ko sa'yo kung hindi ka madadala? Maniwala ka kasi sa'kin," pilit sa akin ni Four nang maabutan ako nitong natutulala sa kawalan.

This is my hobby whenever I am overthinking about something, lalo na kung grades. Para akong nawalan ng kaluluwa sa sitwasyon ko ngayon. I can only see the emptiness of the moment because I am expecting something.

Huminga ako ng malalim, iyong tipo na parang pasan ko na ang buong mundo ngayon.

"Hangga't hindi ko pa nakikita ang grades ko, hayaan mo na akong mamroblema. Ang hirap maging masaya kung alam mo sa sarili mong may mali," tugon ko rito, mas lalong nadagdagan ang bigat sa loob.

I am not overreacting here. Normal ito sa akin simula pa dati at ngayon, bumabalik na naman ang ganoong pakiramdam. The only difference is that Four is here, motivating me as if he can make me believe about the possibility of things.

Hindi niya alam, kahit na hindi ko naman inaamin sa kanya, naa-appreciate ko iyong mga ginagawa niya para sa akin. His motivations can be one of the means for living this life positively. I can live with that by remembering it. Depende sa akin kung pwede ko na lang i-apply sa buhay ko.

"Isa pa, dinadaan ko na muna sa prayers. Alam mo na, prayers can help. Prayers will do kapag alam mong may nanganganib na kahit ano. Hindi nga ako maka-Diyos pero heto ako, kumakapit sa Kanya kasi need ko." Sinabayan ko iyon ng tawa, kabado dahil hindi ko alam kung gumagana ba iyon o hindi.

He started looking at me suspiciously. Kumunot ang noo ko dahil iyong uri ng tingin niya, parang hindi makapaniwala o ano. I never did something wrong.

Hinablot niya ang palad ko at pinakiramdaman iyon. His eyes never left mine while doing it and so, I felt the awkwardness between us. Sa aming dalawa, ako lang yata ang nakakaramdam no'n dahil siya, sobrang sanay na yata sa akin.

"Uy, nagdadasal ka pala? Hanep, kailan ka nagpabawas ng kasalanan?"

"Sira. May problema ba kapag gusto kong maging part ng dean's lister?"

"Wala naman. Basta sure nga akong nandoon ka. Automatic na 'yan kaya huwag ka nang mag-overthink kasi ako mismo ang kasama mong aakyat ng stage para kuhanin ang certificate mo," dugtong nito na mas lalo kong hindi sinang-ayunan.

Lumunok ako. My forehead creased as if I cannot accept the truth he has given me. Tila namawis ako kaagad pagkadinig no'n dahil kung sakaling nadala nga ako, walang aakyat para sa akin.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now