13

4 1 0
                                    

Umagang-umaga, hindi ko inasahan ang bubungad sa akin. Si Four, may dalang maliit na paper bag at binalandra niya iyon sa harap ko. Iyong mata ko ay dumako roon, kinwestyon kung bakit sa lahat ng oras, ngayon pang medyo wala ako sa hulog?

Na-late ako ng gising. Nag-alarm ako pero masyadong napahaba ang tulog kaya late na rin ako sa first subject. Hindi ko alam kung paano ko ba maco-copy ang lessons since iyong mga kaklase ko, hindi naman nagte-take down notes ang mga iyon.

Kaya medyo nakabusangot ang mukha ko ngayon. Minadali ko lang ang ligo dahil ayokong pati second subject ay wala akong maabutan.

"Good morning! Your face is now telling me that you're late and not in the mood so, nagtake out na lang ako ng Japanese pancake dyan sa gilid ng school tapos syempre, 1 cup of rice at gulay for breakfast. Oh, see? Ako na nag-provide sa'yo ng pagkain kaya..." Binigay niya iyon sa akin nang may maaliwalas na mukha. I stared at it for a few seconds, breathed deeply and then opened my bag.

Oo, wala ako sa mood pero hindi ko gustong hindi tanggapin iyong binigay niya sa akin. It's a form of appreciating someone's efforts. At babayaran ko siya.

"Magkano ba?" kalamado kong tanong sa kanya saka kumuha ng 200 pesos sa coin purse.

"Oh, teka lang naman. Mukha bang online delivery ako? Hindi naman, ah? Don't pay me na. Marami akong pera," pagkontra niya pa sa akin habang inaabot ko sa kanya iyong pera.

Sinamaan ko siya ng tingin. He only showed me his stress free smile. He tilted his head and smiled wider as if it's one of the things that completes my day.

Well, kinda.

"Alam kong mayaman ka kaya dadagdagan ko pera mo. Kaya tanggapin mo na 'to kasi kung hindi—"

"Ano kung hindi? Hmm?"

Napalunok ako saka sandaling natahimik. I cleared my throat and then crumpled the two paper bills.

"Wala naman. Tanggapin mo na kasi. Arte mo naman, eh. May pasok pa ako," dahilan ko rito at mas lalong pinilit pang bayaran iyon sa kanya.

"Huwag na nga. Sa kakapilit mo niyan mamaya, talagang hindi ka na makakapasok. Tara na. Imbes na bayaran mo ako, sabay na lang tayong pumasok papuntang school."

Binalik niya sa akin ang pera saka ako hinawakan sa pulsuhan at pinasabay na ng tuluyan sa kanya. Wala akong oras para magreklamo dahil may punto naman siya. Male-late ako ng tuluyan kung makikipagtalo sa kanya.

"Bayaran kita sa susunod. Salamat dito saka ingat sa klase," huling sabi ko sa kanya nang makarating na ako sa tapat ng room. He nodded only and gave a snappy salute before he left me, still looking at his back who's walking away now from me.

Medyo maaga ako ng kaunti. Nakatayo ako sa gilid ng pinto habang hawak pa rin iyong paper bag niya. My eyes landed on it. Hindi kabigatan pero ayos na. Hindi rin naman kasi ako nakakain kanina kaya medyo blessing siya today.

I ended up eating it immediately right after I went inside the room. Nakaupo ako sa upuan habang kinakain iyon, hindi na binigyang pansin ang ibang kaklaseng busy sa pakikipagkwentuhan.

Iba. Japanese pancake tapos totoong may gulay nga. I silently prayed for him to have the best day today. Okay, alam kong hindi niya dinig ito. But I am still wishing that he will have it today.

Hulog ng langit kasi. Ang lakas ng pang-amoy. Alam niyang hindi pa ako nakakain pero nag-toothbrush naman ako. Lakas ng instincts. Parang babae.

Parang ako. We both fit to each other.

We are still in good terms. Friends to be exact, except that he knows that I like him now. Ewan kung pinangangalandakan niya ba iyon kay Dos o hindi. Knowing him, palakwento pa naman iyon tapos aasarin na naman ako ni Dos sakali.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now