4

24 0 0
                                    

Umuwi ako kay tita. Tumawag lang ako sa kanya nang pauwi na ako habang sumasakay ng jeep. Ini-expect niyang makarating ako ngayon kaya hindi na ako nagulat nang unang makita ito sa labas pa lang ng gate ng bahay niya.

Todo ngiti ito tapos ang suot ay parang pupunta kung saan. Hindi naka make up pero ang mukha, sobrang ganda na aakalain mong nakaharap ka sa taong pinagpala.

She's a good looking woman and it's not surprising to know that at her age, she's got a lot of suitors. Nga lang, wala itong nagugustuhan. Walang nakakasungkit sa 'standards' niya.

Wala itong anak na mas ikinalungkot ko. She's still single up until now. Hindi ko alam kung anong rason niya pero kung iyon ang gusto niya, hindi ko naman siya didiktahan.

"Goodness gracious, Alaine! Buti na lang nakarating ka! Akala ko tuloy mapapanis na iyong McDo na binili ko, jusko!" Inakap niya ako kaagad nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya. She smells so fresh like those flowers freshly picked from the garden.

Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin na para akong tunay nitong anak na matagal nawalay sa kanya.

Her house is not that boring because some of her friends are here. Siguro may kaunting salo-salo na nangyayari para sa pag-alis niya na.

"Tita, pwede niyo naman pong ilagay sa ref iyon. Sigurado akong hindi mapapanis iyon," sagot ko saka ako nito pinandilatan.

I am trying to be funny but it seems she didn't get it.

Sabay kaming pumasok sa bahay niya at hindi nga ako nagkamali nang makita ang ilan sa mga kaibigan niya.

They are all eating some fast food. Napakaway sila sa akin nang makita ako. Of course, kilala na nila ako dahil kay tita. They all went into same university when they were in college.

Hindi na nakakapagtaka.

"Uy, Alaine! Kumusta ka? Kumusta college life? Madali ba?" One of her friends approached me. May hawak pa itong pinggan nang lumapit sa akin habang kumakaway.

She still looks classy, though. With the dress she's wearing and a stiletto, I can't deny everything.

Pilit na ngiti ang binigay ko. I greeted them first before I answered her question about my studies. Syempre, lahat sila ay ngumisi lang sa akin na parang isang napakagandang pangyayari ang narinig.

Syempre, experienced na sila kaya tinatawanan lang ang naririnig.

"Ay dzai, sinasabi ko sa'yo, ihanda mo na self mo! Aba't kailangang prepared ka palagi ano! Para sa huli, kapag iwan ka, hindi ka na magugulat pa! Hindi ba, Celeste?"

Lahat sila ay napatingin kay tita na ngayon ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Maski ako ay napasunod sa ginawa nila.

She just shook her head and flipped her hair like she doesn't care about what she heard. Mas lalong umugong ang tila bulong-bulongan ng mga kaibigan niya sa kanya nang sandaling ngumisi ito.

"Ay bet ko 'yan! Talagang move on ka na girl! Taray ng college love life! Iba din ang epekto sa'yo, ano? Sus, Celeste!" at patuloy nilang tinukso si tita tungkol sa kung sino iyon.

"Tumigil nga kayo! Nakakahiya kay Alaine. Talagang sa harap pa niya, ano?" tugon niya sa mga ito nang bumungisngis silang lahat.

Napahinga lang ako ng malalim saka nagsimula nang kumain. There are only few guests here. Mostly, mga batchmates niya noong college, mga kakilala tapos heto, mga kaibigan nga niya.

Lahat sila ay puro may trabaho, same course ang kinuha noong college kaya hindi na ako nagtataka kung ganito sila kalapit.

I ate the burger together with the float. I am now seeing them all chit chatting with each other. Prente lang akong naupo sa sofa.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now