18

0 1 0
                                    

Ang awkward ng pakiramdam lalo na't kauna-unahang beses na nangyari ito sa akin. Nanginginig ang kamay ko tapos nanlalamig ang katawan, parang hindi na gugustuhing tumagal ako rito. Para akong sinasakal kahit na hindi naman.

Nasa tabi ko si Four, kaharap namin iyong magulang niya. Sa tabi ni Four si Dos habang si Neeca ay nasa tabi ko naman, tahimik lang pero ramdam ko ang kagustuhan niyang magsalita lalo na nang makita ako.

Gosh. Hindi naman ako umasang ganito kaganda pala si Neeca sa totoong buhay. No wonder why Four made plans with her before. Bukod kasi roon ay mabait din iyong aura niya. Well, I can see the angelic vibe.

His father cleared his throat and made a toast. Nakisabay ako roon dahil ayoko namang maging mas lalong awkward ang pakiramdam. And juice lang naman ang laman ng baso ko.

"Congratulations to both of you. Naikwento ka sa akin ni Four. Alaine, right? Alaine Salvedo?" he asked, looks like screening me now.

Tumango ako. "Yes po. Uh, schoolmate ni Four po ako. I'm currently taking Cruise Ship Management." I introduced myself calmly although my insides are now doing something I cannot explain.

"Yes. Sinabi niya rin sa akin iyan. Anyway, let me introduce myself first. I am Dominic Cahstelan, Four's father and beside me is my beautiful wife, Christina Cahstelan."

I smiled to Four's mother. No wonder why Four got the looks. Parehong-pareho sila ng mukha ng kanyang nanay. May ibang features din naman siyang nakuha sa tatay niya pero mas lamang iyong sa nanay niya.

From nose, the jawline and also the glass skin, all from his mother's. Iyong tanging napapansin ko lang na talagang kuhang-kuha niya sa tatay niya ay iyong kanyang mata. It's not that expressive but I can see that it looks like it wanted to tell something I cannot decode myself.

Na parang ang mga matang iyon ay gustong-gustong magsalita pero hindi magawa. I feel like there's something being trapped or what.

"Naku tito, itong si Four, kung alam niyo lang kung gaano kagusto itong si Salvedo. Promise! Siya pa umakyat sa stage niyan para kay Alaine!"

The sudden silence was interrupted by Dos' voice. Doon ako napayuko ng bahagya dahil iyong bunganga niya, walang preno sa ngayon. Talagang nilakasan ang loob na sabihin pa iyon!

"Tapos alam niyo ba? Sabay pa sila minsan! Nakakainggit nga kasi third wheel ang role ko—" Four immediately shut his mouth. Four's mother looked at me as if checking my features that close.

Tumagal ang titig niya pati sa akin. I smiled shyly. Iyong kaunti niyang ngiti ay unti-unting napawi nang sandaling dumako na sa mata ko. Walang mali sa mga mata ko. Sobrang lambot ng pagkakatingin ko sa kanya pero iyong tingin niya sa akin ay parang nasasaktan. Parang may kung anong tumuturok na sa loob niya.

What's with my eyes?

"Pamilyar ang mga mata mo, Alaine. They're sparkling. You do really love my son?"

Doon na ako natigilan. May kung ano sa akin na hindi mapakali na kaagad. Parang may kung anong lalabas na hindi ko alam. I bite my lower lip and looked for Four's eyes instead.

Natameme na ako. His hand found mine and I held it tightly as if he assures me that I don't need to answer that question. Na okay lang kahit iba iyong isasagot ko kahit alam ko naman sa sarili kung ano iyong magiging kasagutan.

Paano ko naman ba sasagutin kasi iyan kung nandito mismo si Neeca sa tabi ko? I mean, that's more awkward knowing na mukhang dumaan din siya sa ganitong tanungan noon.

"Y-yes—"

"Ma, can we please eat first? Nagugutom na ako," pagputol ni Four sa sasabihin ko na sana. I sighed in relief because he saved me from that question though my answer will never change.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now