14

5 1 0
                                    


Three days. May tatlong araw pa bago iyong napagplanuhan ni Four. May parte sa akin na masyadong excited sa pwedeng mangyari kasi syempre, unang pagkakataon iyon sa buhay.

May mga chances syempre pero iyong ito, ang hirap tanggihan lalo pa't ayoko namang ituon lahat ng atensyon ko sa pagpapakastress sa pag-aaral. I needed to unwind sometimes and that time will be on Saturday.

Kaya tinapos ko ang ibang tatapusin lalo na iyong pagsusulat ng mga lessons sa ibang subjects para hindi ako matambakan lalo sa weekend. Ayaw ko rin namang nanonood ng movie habang tambak din iyong utak ko ng school works. That is like a disrespect for my precious time.

"Wow, sipag naman niyan! Tambak notebooks natin, ah?" one of my classmates sat beside me while I am writing. Four is busy with his class now and I understand that he's not here annoying me.

Sinantabi ko iyong isa saka sinunod na naman iyong isang notebook. I have with me my mint green highlighter and a red colored pen. It's my way to memorize terms and understand them at the same time.

"Hindi naman. May answer ba kayo sa Accounting na? Baka pwedeng... paturo kung paano niyo nakuha?"

Para akong desperada sa sagot. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa kakaisip ng pwede kong isagot doon. Para akong naghahanap ng kasagutan kahit nakatulala na ako sa kawalan. I am silently seeking for help but chose not to seek for Four's capability to do that to me.

Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako kasi pakiramdam ko ay nagiging pabigat ako lalo na kung hirap na hirap siyang ipaintindi sa akin iyong mga kailangan kong intindihin.

"Ay, sure! Nangopya lang ako, girl. Tapos heto, kopyahin mo na rin. Mamaya mo na lang alamin kung paano nakuha 'yan kasi bagong lesson na naman daw si sir! Jusko, stress fallopian tube ko sa kanya!" reklamo nito habang kinukuha ang notebook sa bag. I smiled bitterly knowing that I will still end up crying silently at night later.

Tatanungin ko na naman ang sarili ko kung talaga bang bobo ako sa ganitong bagay. I mean, willing to learn naman ako. Gustong-gusto kong matuto pero parang ayaw ng bawat araw sa akin.

"May na-gets ka sa lesson ni sir?" kuryoso kong tanong, kinokopya na lang iyong nakasulat doon sa kanyang notebook, wala nang pag-asa.

"Slight. Alam mo kasi girl, tuwing kaharap ko kasi si sir, para akong nangangatog biglaan! Isama mo pa iyong aura niyang nakakapanindig balahibo. Ayoko rin iyong nagpaparecite siya eh mas lalong dumadagdag pagkabobo ko roon! Muntik na nga akong mahimatay nang binanggit niya apelyido ko!" And she continued her litany. Maski ako naman siguro ay ganoon din ang magiging pakiramdam lalo na't alam ko sa sarili na wala akong alam.

"Eh sa swimming? Next week na performance. Ready ka na?"

"Anong ready ka dyan? Wala pa nga akong maisusuot! Naku, kung pwede lang talagang magsuot ng two piece, ay dzai gagawin ko! Baka makakuha ng future sa audience sakali," and she followed it with an evil laugh. Naintindihan ko kaagad iyong ibig niyang sabihin kaya natawa na rin ako.

She's eyeing for someone. Of course, this is a maritime school at hindi maiwasang maraming mga estudyante. Some are average looking while some got this charisma that even a normal girl cannot resist.

Pero kung tutok ka sa iisang tao, balewala lahat nang iyon. You won't mind the things they have got. You only want to focus on that one person.

"Sira. Target mo talaga?"

"Aba, bakit hindi? Pipili na lang ako ng iiyakan, syempre doon na lang tayo sa may dating. Hindi naman maganda kung iyong iiyakan ko ay mapanakit na nga, wala pang ambag dito sa eskwelahan. Tsk. Big no no for me."

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora