20

4 1 0
                                    

The curiosity is slowly eating me day by day. Wala yata akong tapang na tanungin si tita tungkol doon kung kaya't hinihintay ko na lamang ang pagkakataon na siya mismo ang magkukwento sa akin. Well, depende kung talagang sasapian ako ng katapangan sa susunod.

She'll stay here for a long time. Hindi ko alam kung anong rason niya. She's not telling me about it. Pansin din naman niya sa akin ang pagiging kuryuso pero nanatiling tahimik pa rin ito sa sagot.

Ewan ko kung bakit. Natabunan ang lahat ng iyon nang nag-aya ito ng biglaang outing. It's not summer yet but she's insisting that we should escape the stressfulness of life for a while. Syempre, kasama roon ang mga kaibigan niya at nag-suggest pa na dalhin ko raw si Four.

Pupunta kaming beach. It's a white sand beach. Nasa Guimaras iyon at mukhang saulo na nito ang lugar kung kaya't kaagad itong naghanap ng pwedeng matutuluyan doon para sa gabi.

I agreed with her plans. Lagi naman akong susunod sa kanya. And since it's a beach, she suggested that I should wear a two piece. Pinakita niya pa lang sa akin iyong susuotin ay parang aayaw na ako kaagad.

Hindi ako nagsuot ng ganoon sa buong buhay ko. Now, to wear it with the sound of waves that surrounds me, it's appropriate of course but for me, I think I will look more awkward with that. I am exposing my skin. Para na akong nagsuot ng bra at panty no'n. In different style nga lang.

"Tita naman. Hindi ba pwedeng shorts na lang suotin ko? Masyado naman akong exposed niyan," reklamo ko, napapanguso na dahil binabalandra niya talaga iyon sa harapan ko.

She looks at me suspiciously. Tinaasan niya ako ng kilay at parang gusto nang sabunutan ako sa sobrang tigas ng ulo. Tss. Nasa lahi naman siguro iyon kaya balit pa siya magtataka?

"Ewan ko sa'yo, Alaine. You're not a child anymore at isa pa, ngayon lang naman. Wear this. Susuotin mo iyan sa ayaw at sa gusto mo. Aba! Sayang ang ganda ng beach kapag hindi mo suot ito!"

Napakamot ako sa ulo sa kagustuhan niyang iyon. Parang hindi ako makakapalag dahil kung anong gusto niya, iyon ang masusunod. Iyon ang dapat na matupad ano man ang mangyari.

"Tita naman—"

"Oh, huwag nang magreklamo. Ngayon lang naman! Subukan mo ang hindi mo na nasusubukan, Alaine! You have a nice body and of course, sure naman akong madadala mo ng maayos itong two piece na ito. Mahal pa naman ang bili ko rito kaya isusuot mo ito, okay?"

I nod. Maybe that's one of my so called nod. Parang tumango na hindi. Tumango na may labag sa loob. Hindi naman mawawala iyong ganda ng dagat kapag hindi ako nagsuot ng ganyan. It's not required for people to wear two piece on the beach. Nasa kanila na iyon.

Bakit ako parang required? Naiisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Parang nakahubad na ako kung ganoon. Napasagot ako ng oo dahil sa pamimilit, ah?

"Oh, ayan! Nalagay ko na sa bag mo kaya naman nag e-expect ako na isusuot mo 'yan, okay?" Sinalpak niya iyon sa bag ko, hindi na ako binigyan ng tyansang makasalita pa ng kung ano.

It was all her plan to have an outing. Kaya naman ay inimbitahan ko si Four. I went to his apartment alone. Naabutan ko itong may ginagawa sa kanyang notebook, seryoso sa kung ano ang ginagawa.

He was busy at first. Tutok na tutok iyong mata niya sa ginagawa kaya nang maramdaman ang presensya ko ay unti-unting dumako ang tingin niya sa akin. His head turned first before his eyes settled on me.

Biglaang nagpakawala ito ng malapad na ngiti nang makita na ako nang tuluyan. He waved immediately and closed his notebook. Isinantabi nito ang pen saka ito tumayo at sinalubong ako ng mahigpit na mahigpit na yakap.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now