11

18 1 0
                                    

"Tita, mabait ang taong 'yon. Si Four, katulad nga ng sabi niyo, ibang course siya sa akin. Magkaiba rin ng kinukuhang mga subjects kaya—"

"Oh, edi nagugustuhan mo na? Hmm?" she cut me off. Natahimik ako bigla roon dahil parang nahuli niya ako sa sariling bitag.

Nagvi-video call siya sa akin habang nagluluto ako. Nasa bahay niya ako kasi syempre, weekend. Free time niya rin tapos inusisa ako tungkol nga kay Four.

Hindi pa rin kami tapos tungkol sa kanya. She keeps on asking me about him. Pang ilang beses na niya yata itong tinanong sa akin at paulit-ulit lang din ang sinasagot ko.

I continued chopping the onion while sighing deeply. Binigyan niya ako ng mapanuring tingin na parang sa ganoong paraan ay balak na nga akong bigyan ng sermon. Of course, she knows that I am studying so hard. Sa ganoong paraan ko na nga lang ginagawa ang lahat para makabawi tapos hindi ko pa pagbubutihin?

Simula kanina nang mag-umpisa ako rito ay puro Four na ang bukambibig niya. Siguro kung nandito siya ay talagang niratrat na ako ng katanungan bawat minuto.

"Tita, wala naman po sigurong problema kapag nagkagusto sa isang tao? I mean, gets ko po ang point niyo since sabi niyo nga, may experience kayo sa ganyan," mahinahon kong tugon, pilit na sinisiksik sa utak ko na okay naman kahit papaano si Four. Just needed to know him that much.

"Yes. Naku, talagang pag-uwi ko dyan, iharap mo nga sa akin ang Four na 'yan nang makausap ko ng masinsinan. Ay, naku!" saad nito na animo'y stress na sa nangyayari sa akin. Tinawanan ko lang iyon dahil parang ang sitwasyon ko para sa kanya ay talagang lalagay na ako sa tahimik na buhay.

No. Not now. As what I have said, I don't want to be like my mother when it comes in settling life with someone. Ayokong mangyari sa akin iyon.

She got pregnant at a young age. She was 18 when she got me and for me, that's too young. Masyadong bata para magkapamilya kaya ang nangyari, hindi naging maganda na nang sa huli which is too tragic. Kaya tita ko na ang kumupkop sa akin. Tita ko na ang nagsustento sa akin simula dati.

And I am much thankful for that.

"Tita, pag-usapan na lang natin 'yan kapag uh, nandito ka na. Medyo marami kasi akong gagawin ngayon. Masyadong busy po kasi sa school. Medyo namroblema lang kaunti sa grades pero pasado naman lahat," pag-iba ko ng usapan. Ayokong pinag-uusapan si Four dito lalo pa't aktibo ito kung si Four ang topic namin.

I guess she's into Four now. Ngayong alam niya ngang close kami ng taong iyon.

"Mmm. You're actually doing good. Hindi ko naman kailangang kwestyunin lahat ng ginagawa mo kasi alam kong nagsisikap ka rin naman. You know, for your future din naman, Alaine. You should think about that, ha?" Tumango ako bilang sang-ayon sa kanya.

I know my limitations and I know what I am doing. Ramdam ko rin naman ang kaba ni tita sa akin lalo pa't sa legal na edad na ako. She might thinking that maybe I'll follow the steps of my mother which is not. Not ever.

Kung mayroon mang bagay na ayokong mangyari sa akin, iyon 'yon. I should not repeat the history itself. Kahit kailan, hindi ako gagaya. Hindi ako magpapabulag sa ganoong bagay.

Tinapos ko na lang ang pagluluto saka kinain iyon. Wala akong ibang ginawa  pagkatapos kundi ang linisin nga ang ilang parte ng bahay niya. Hindi naman masyadong marumi since naglilinis naman talaga ako rito tuwing dito ako natutulog. Tapos syempre, dahil marami-rami ang gagawin na school works, doon ko rin finocus ang atensyon pagkatapos.

Tanging sa kalagitnaan lang ako ng pagsusulat nang nag-vibrate ang phone ko. A message from Four. Awtomatikong nanliit ang mga mata ko dahil talagang ngayong weekend? I mean, feels strange to receive a message from him at this hour.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now