Province #1

269 10 34
                                    

   Shining the Night in Bulacan
               by: GorgeousMycs

Masaya ako na kumakanta habang nakikinig ng kanta ng Why Don't We. Naka-headset ako habang nagsusulat ng lesson ko. Malapit na kase ang exam namin kaya kailangan ko mag-aral ng mabuti. Kaso binigyan kami ng 2 weeks para magbakasyon kumbaga sumaya muna bago ma-stress. Sa bahay lang naman ako kasama si Lola Alma.

Anyway, nasa Antipolo kami ni Lola Alma ngayon. Hindi ko kasama ang mga magulang ko kase nasa Bulacan naman sila. Iyon ang probinsiya namin. Kaya lang kami nasa Antipolo kase dito ako nag-aaral at may negosyo naman dito si Lola.

Nag-aaral ako sa maganda at yayamanin na University. 2nd year College na ako at kumukuha ng Law. I have 2 bestfriend, Jella and Keila. Malapit lang ang bahay nila rito sa amin, sabi nga nila uuwi sila sa probinsiya nila kase after ng exam ay wala na kami masyadong bakasyon kaya susulutin na raw nila.

Halos 6 months ko na hindi nakikita sina mama at papa. Pero nagvi-video call naman kami palagi para kumustahin ang isa't isa. Nami-miss ko na nga sila at sana ay makasama ko na sila.

Nang matapos ko maisulat lahat ng lesson ay bumaba ako para kumain. Tanghali na kase at nagugutom na ako.

"Mabuti naman bumaba ka na," sabi ni Lola Alma na hinahanda ang pagkain namin. 68 na si Lola Alma, nanay siya ni mama at mabait naman siya sa akin kaso kapag tinotopak, ayun, pinapagalitan ako at sinusungitan. Naiintindihan ko naman si lola, mahal na mahal ko 'yan.

"Opo," sabi ko. "Tapos na po ako magsulat." Umupo ako sa isang upuan.

"Pagkatapos natin kumain ay mag-imapake ka na," sabi niya na ikinagulat ko. Bakit ako mag-iimpake? Hindi kaya...

"Palalayasin niyo na po ba ako? Wala naman ako maalala na may ginawang masama." Saka ko inalala ang lahat ng pangyayari nitong araw.

"Pambihira ka talaga! Bakit kita palalayasin?!" biglang sigaw ni lola.  "Kaya kita pinag-iimpake kase uuwi tayo ng Bulacan. Hindi ba may dalawang linggo ka na bakasyon. Kung gayon, ay uuwi nga tayo para naman mabisita mo ang mga magulang mo."

Akala ko kung ano na. Kinabahan pa naman ako.

"Pero lola ayoko muna umuwi," reklamo ko, "marami pa akong tatapusin na activities at report kahit na exam lang namin after 2 weeks." Kumuha ako ng kutsara at nagsimula kumain.

Umupo na si lola sa bandang harapan ko at kumuha ng pagkain niya.  "Ano ka ba naman, Hannah, matagal muna hindi nakikita ang mama at papa mo. Tiyak ay nami-miss ka na nila. Ito na nga ang pagkakataon mo para bumalik muli sa Bulacan. Masisiyahan ka roon at tiyak din ay ayaw mo nang bumalik rito."

Gusto ko sana maniwala kaso ayoko talaga. Wala naman akong magagawa hindi ko pwede na tanggihan si lola. Baka mamaya malintikan na naman ako at tuluyan palayasin.

"Sige po," pagpayag ko.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa kuwarto ko. Binuksan ko ang walking closet ko at inilabas ang mga damit na maaari kong dalhin sa pag-uwi sa Bulacan. Kumuha rin ako ng sapatos, underwear, mga personal kong gamit at iba pa. Hindi naman ako 'yong tipo nang tao na maraming ek ek sa buhay. Kung ano lang ang magagamit ko ay iyon lang ang dadalhin ko. Inilapag ko muna sa kama at kinuha ang isang itim na luggage. Sinalpak ko lahat ng gamit ko roon.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon