Province #7

65 3 8
                                    

Our Spectacular Souvenir in Aklan
by: Galactickyla

Tirik na tirik ang araw ng Boracay kaya para akong napapaso habang naglalakad. Alas dose na kaya ganoon na lamang ang init ng araw.

Ang malamig na hangin ay hinihipan ang aking buhok kaya mula sa Mali is na pagkakaayos kanina ay bigla itong nagulo. Naiinis kong hinawi ang ibang hibla ng aking buhok na tumatama sa aking mata.

Nakayuko ako habang naglalakad, wala sa sariling sinisipa ang mainit pero pinong-pinong buhangin. Nakayuko ako para hindi masilaw sa maliwanag na araw kaya hindi ko na napansin ang babaeng nasa unahan ko. Nabangga ang katawan niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko at mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang tingin sa kaniya. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang nagtama ang tingin naming dalawa.

My breathing hitched. Para akong pinutulan ng hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko dahilan para mas lalo pa akong kapusin ng hangin. Binuka ko ang aking bibig at namutawi sa aking labi ang kaniyang pangalan.

"Zenaida," ani ko.

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang nuo. Mas lalo akong kinabahan. Tingin ko nga ay namumutla na ako ngayon.

"Sorry but, do I know you?"

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. Para akong binuhusan ng napaka-lamig na tubig. Hindi agad ako nakapagsalita. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok lang ng puso ko.

"Sorry, uh, aalis na ako."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niyang iyon. Agad akong naibalik sa reyalidad at noong nakita ko ang pagtalikod niya sa akin ay nataranta ako.

Agad kong hinawakan ang kaniyang braso kaya napalingon siya sa akin. Lumipad ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Parang napapaso ang kamay kong inalis ang hawak sa kaniya. Tumikhim ako bago umayos ng tayo.

"Pwede ba t-tayong mag-usap?" nauutal kong tanong.

Mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang nuo. "Sorry talaga, ha? Pero hindi kita kilala."

"Uh, Ro—Damien. Damien ang pangalan ko."

Nanliit ang kaniyang mga mata. Namamawis na ang kamay ko sa sobrang kaba. Pinilig niya ang kaniyang ulo.

"I'm sorry but that name isn't familiar to me," she echoed. "Kilala mo ba ako?"

Tumango ako at alanganing ngumiti. "Yeah. You were my g-girlfriend."

Mas lalong nanlaki ang kaniyang bilugang  mga mata. Napaawang ang hugis puso niyang labi.

"W-whoa. Are you s-sure?" tanong niya. "Baka kamukha lang ako ng girlfriend mo or something?"

Umiling ako. "Hindi. Kilala ko ang girlfriend ko. Kilala kita," saad ko sa mababang boses. "Kaya kailangan nating mag-usap."

Nag-isip Mina siya ng ilang sandali bago tumango. Parang mawawasak ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakahinga nang maluwag.

Pumunta kami sa Kasbah Boracay dahil malapit lang naman kami roon. Uminom ako ng tubig para maibsan ang kabang nararamdaman. Pinunasan ko ang aking namamawis na kamay sa aking short bago tumikhim.

"So, I think I have to tell you this," paunang sabi niya.

Tumango ako pero ang puso ay sobrang bilis na nang takbo.

"I have an retrograde amnesia. Ang sinasakyan kong eroplano ay nag-crash two years ago. I forgot my memories two years before the accident."

Natulala ako. Hindi agad iyon naproseso sa aking utak. Binalot kami ng mahabang katahimikan.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon