Province #6

67 3 19
                                    

Love Of Tomorrow At Nueva Ecija
GirlOnYourNightMare

Paano mo nga ba sasabihin sa taong nagugustuhan mo ang nararamdaman mo? Nararamdaman na maaaring makapagpapabago ng pakikitungo niya sayo.

Nararamdamang pagmamahal na matagal mo nang gustong aminin ngunit hindi mo magawa kase pinapangunahan ka ng takot at kaba.

Kaba na mararamdaman mo tuwing malapit siya sayo. At takot, takot na baka masaktan ka lang kapag nalaman nyang mahal mo siya at hindi niya kayang suklian ito.

Tunay ngang mahirap umamin sapagkat takot ka ngang masaktan, takot kang maiwan at higit sa lahat takot kang baliwalain ng taong nagugustuhan mo. Ako si Celeste Ghenlei Reyes at dito nag-umpisa ang istorya naming dalawa.

First day of class ngayon at kinakabahan akong pumasok may mangilan-ngilan naman akong kakilala dahil naging classmate ko sila nung junior high school pero natatakot ako na baka snobber sila. Halos three years ko na rin kase silang hindi nakasama sa loob ng silid-aralan dahil grade seven pa kami naging magkakaklase at ngayon na lang ulit na grade eleven. Humanities Social Sciences, in sort HUMSS ang kinuha kong strand takot at kakaiwas ko kase sa math kala ko walang math rito nagkamali pala ako pero keri na rin.

Natigil ang pagkausap ko sa sarili ko ng may isang lalaki ang lumapit at kumalabit sa akin bago siya sa paningin ko siguro transfer lang siya dito.

"Excuse me miss, may nakaupo ba dyan sa tabi mo?"

"Ah, dito wala," casual na sagot ko.

"Btw, I'm Gabriel Lhuance Robianes." Matamis naman itong ngumiti sabay lahad ng kanang kamay sa harap ko.

"I'm Celeste Ghenlei Reyes, nice to meet you, Gabriel."

"Uhmm, mas preferred kong tawagin in my second name, 'yong mama ko lang kase tumatawag sa akin niyang first name ko."

Nagtataka man ngunit tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Bored na bored akong nakikinig sa mga classmates naming isa isa ng nagpapakilala sa harap samantalang itong katabi ko parang nag e-enjoy at intresadong malaman ang ilan sa mga detalye ng aming mgakaklase ng siya na ang sumunod na magpapakilala kaya't na paayos ako ng upo.

"Hello everyone. Good morning to all of you. I'm Gabriel Lhuance Robianes, I'm 16 years old I love playing guitar and music is my way to scape the hurtful and traumatic reality."

Kasabay ng pag-upo niya ay ang pagbagsak ng masasaganang luha niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit pero pinangunahan ako ng hiya sapagkat kakikilala lang namin ngayon.

Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko at iniabot iyon sa kanya hindi naman siya nagdalawang isip na kuhanin ito at gamitin pang punas ng kaniyang luha.

"Salamat."

"Wala iyon huwag ka ng umiyak tahan na."

Malalim na ang gabi pero iniisip ko pa rin ang nangyari kanina bakit naiyak si Lhuance masyado sigurong masakit yung nangyari sa kanya.

Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa pag-iisip sa kaniya. Nagising na lang ako kinaumagahan sa ingay ng aking tito at tita.

"Oh, gising ka na pala Celeste, aba tanghali na gumayak ka na at malalate ka na," sermon nito sa akin.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon