Province #9

57 3 9
                                    

Enticing Scenery in Cebu
by: sha_nel

“'Ma, magpapaalam na muna ako sa inyo. May gusto pa po kasi akong pupuntahan, e. H’wag ka nang mag-alala 'ma dahil kasama ko naman si Zyst. Sa susunod po, isasama ko kayo at ng mga kapatid ko para makapagbakasyon din kayo at makapagpahinga na rin,” nakangiti kong wika kay mama. Tumango naman siya at ngumiti rin pabalik sa 'kin.

“Sige, 'nak. Aasahan ko 'yan sa susunod 'nak ah, basta ba mag-iingat ka palagi.” Hay, kahit kailan talaga si mama, maalalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko, e. Lalo pa’t kasama ko rin naman si Zyst, ang best friend ko.

“Oo na, 'ma. Hindi mo na po kailangang ipaalala sa 'kin 'yan dahil alam ko na po 'yon at saka kaya ko naman po ang sarili ko. Malaki na 'ko, e,” natatawa kong pahayag kaya napabuntong-hininga na lang siya at binalingan ng tingin si Zyst na bumubungisngis.

Malamang tinatawanan na niya ako. Topakin kaya 'to.

“'Yan lang ang masasabi ko kasi ngayon, 'nak. Hindi ko lang talaga mapigilan ang mag-alala kasi anak kita e,” wika niya kaya niyakap ko siya at sa pamamagitan niyon ay pinapahiwatig ko sa kan’ya na magiging ayos lang ako.

Pagkatapos no’n ay hinalikan ko sa pisngi si mama at nagpaalam muli.

Binalingan ko ng tingin si Zyst at lumapit sa kan’ya. Tumango naman siya kaagad dahil alam niya na lalabas na kami.

“'Ma! Mag-ingat din po kayo rito ah!” Pahabol kong sigaw at sumigaw din pabalik si mama sa 'kin saka tinalikuran na sila at pumunta na sa motor ni Zyst.

“Kirst, 'yong helmet mo,” aniya at ibinigay sa 'kin ang helmet ko at saka ko ito isinuot.

“Salamat, Zyst,” sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin at pagkatapos no’n ay umuna siyang sumakay sa motor niya at sunod naman akong umangkas.

“Maayos na ba ang pagkakapuwesto mo d’yan?” tanong niya sa 'kin.

Sumagot din naman kaagad ako nang naging komportable na ang pagkakaupo ko sa likod. “Oo.”

Tumango lang siya sa 'kin at pinaandar na ang motor niya.

“Kapit ka ng maigi.” Pagkasabi niya no’n ay mabilis kong ipinulupot ang kamay ko sa baywang niya.

Ewan ko pero mas kampante ako kapag kakapit ako sa baywang niya.

Naramdaman kong natigilan siya kaya napatingin din ako sa kan’ya at nagtataka siyang tinignan.

“O, bakit ka naman natigilan d’yan?” Takang tanong ko habang nakakunot-noo pa. Ano ba’ng problema ng lalaking ‘to?

Bumalik naman kaagad siya sa dati at umiling lang. Tinaasan ko na lang siya ng kilay saka ibinalik ang pagkakapulupot ng kamay ko sa baywang niya.

“Umm, K-Kirst, p’wede bang dito mo na lang ikapit ang kamay mo sa balikat ko?” Nakita ko pa siyang lumunok kaya mas lalong tumaas ang kilay ko sa pagtataka.

“'Damot naman nito, gusto ko rito e, tss,” nakanguso kong sabi saka ikinapit na lang ang balikat niya. Topakin nga.

Pagkatapos no’n ay umalis na kami. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang ikinilos ni Zyst sa 'kin kanina at saka kinuha ang cellphone ko at nagsimulang kumuha ng mga larawan, minsan kumukuha na rin ako ng videos habang nagmamaneho itong si Zyst papunta sa kinaroroonan namin, ang Ocean Park dito sa Cebu na matatagpuan sa likod ng SM Seaside sa SRP. Maganda raw roon kaya napagpasiyahan naming dalawa no’ng nasa bahay pa kami na pupunta roon dahil ayon sa nakita namin sa internet, madami ang mga naggagandahan na iba’t-ibang uri ng sea animals doon.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora