Province #5

81 3 6
                                    

Met You in Palawan
Anneyiie

Nakatanaw ako sa labas habang tinatahak ang daan pauwi ng Puerto Princesa City dahil nanggaling ako sa El Nido. Namasyal ako habang may oras pa at sinulit ang bawat sandali nang mag-isa... Bumuntong hininga ako habang nakikinig ng musika sa suot kong wireless earphone.

Palawan is really beautiful and I went to El Nido to see its unique beauty. Mas napili namin manirahan dito dahil tahimik at maganda ang tanawin, like they said Palawan is a Garden of Heaven. Ang mga isla na aking nakita sa El Nido ay talagang nakakamangha lalo na sa 10 commandos beach. It is one of the islands tourist place in El Nido, the sea is clear and cold even hot because of the sun.

Kinuha ko ang camera sa aking bag at isa-isang tiningnan ang mga kuhang litrato, it's a beautiful view! Abala ako sa aking ginagawa nang biglang naramdaman kong huminto ang van na sinasakyan namin, tumingin ako sa labas at nakita kong may aksidente sa unahan namin.

"OMG! May aksidente," wika ng babae sa aking likuran.

Maraming pulisya ang naroon at akmang lalabas ng sasakyan ang driver nitong van na sinasakyan namin ay biglang lumapit ang isang enforcer kaya binuksan ng driver ang bintana, "Pasensya na sa abala sir, pero pwede na po kayong dumiretso," paumanhin ng pulis kasabay na itinuro ang daan sa kabilang linya ng kalsada.

Tumango na lang ang driver at dahan-dahang nagmaneho palayo doon, nang nasa tapat ng bintana ko ang lalaking nadisgrasya ay tinitigan ko siya. Nakahandusay sa mainit na kalsada ang kaniyang katawan, naliligo sa sariling dugo at--- tumingin ako sa dibdib niyang--- hindi na humihinga. Bumuntong hininga ako, how many people die every day? And how many babies are also born each day? Science is not my favorite subject, so I don't know the answer to my own question.

Isinandal ko ang aking ulo sa bintana at ipinikit ang aking mata... Is there a second life after death? Is that paradise in heaven and hell beneath?

Mayamaya lang ay naramdaman ko na lang na huminto ang sinasakyan namin kaya iminulat ko ang aking mata kasabay na tumingin sa labas ng bintana. Narito na kami sa City? Ang bilis naman yata--- Maybe I fell asleep!  Binuksan ng driver ang pinto sa gilid ko at kaagad naman akong bumaba. Inilibot ko ang aking paningin, at napagtanto kong nasa New Market pala kami. Naglakad ako na suot-suot ang aking back pack patungo sa multicab na nakagarahe, sumakay ako doon at umupo sa bakanteng upuan na nasa likod ng driver.

Kumuha ako ng pera sa coin purse ko at ini-abot sa driver, "Sa SM po, Manong" wika ko.

Matapos niyang makuha ang aking bayad ay binuhay niya ang makina ng sasakyan at sinimulan ang pagmamaneho. Habang nasa byahe ay napapansin kong tinitingnan ako ng mga pasaherong kasama ko dito sa multicab kaya inayos ko ang aking suot na bonet at tumingin sa labas ng sasakyan upang balewalain ang mga titig nila. Unti-unting nababawasan ang pasaherong nakasakay hanggang sa makarating kami sa Malvar kung saan ang daan patungo sa aking patutunguhan. Ini-ayos ko ang aking bonet at isinuot ang backpack sa aking likod, nang huminto kami sa tapat ng SM ay bumaba ako kaagad.

Nang makarating ako sa loob ng mall ay nagdesisyon akong kumain sa isang fast food dahil unli rice sila doon. Habang hinihintay ang aking order ay biglang tumunog ang cellphone ko ngunit hindi ko tiningnan kung sino ang caller dahil kaagad ko itong sinagot, "Hello"

"[Sis, bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sa 'yo.]"

"Walang cignal ang cellphone ko kanina"

"[Where are you?]"

"SM"

"[Saan dito sa SM?]"

"Nandito ka sa mall?"

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon