Province #8

129 3 15
                                    

A Letter from Tarlac
by: agirlwhocannotwrite

Luigi: I hope you are not busy.

Wala sa sarili akong napangiti nang makatanggap ng mensahe mula sa lalakeng hindi ko naman personal na kilala pero laging bumubuo sa araw ko.

Ako: I'm sorry. Nagkaklase ako. Mamaya na lang.

As a hopeless romantic person na pine-pressure ng mag-asawa ng mga kamag-anak, an opportunity like this should not be wasted. Pasalamat na lang ako at wala pang nakakaalam na gumagamit ako ng dummy account for seeking a love interest. Kapag nalaman ng mga estudyante ko na ginagawa ko ito ay baka masira na ang striktang imahe ko sa kanila.

"Ma'am, wala bang tawad ang deadline? Pwedeng next friday na lang?" nakasimangot na tanong sa akin ng isang accounting student.

"Mukha ba akong nagtitinda sa tiangge? Walang tawad-tawad dito. Ang haba na ng panahon niyo kaya nga dapat kahit isa sa inyo may naipasa na." Umirap ako. Ayoko naman sanang pahirapan sila pero kung palagi na lang ganito at isusubo ko sa kanila lahat ng dapat nilang matutunan ay hindi sila matuto sa reyalidad ng buhay.

Luigi: Tapos ka na po, ma'am? Am I still bothering you?

Sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ay napangiti ako. How can this man make me smile after a stressful day? Ni hindi ko pa siya talaga nakakasama at kahit mukha niya ay hindi ko pa rin nakikita. Alam kong dummy account lang din ang gamit niya sa pakikipag-usap sa akin pero he seems so legit. Walang papanggap akong nararamdaman.

Ako: Yes, sir! Papunta na ako sa cafeteria para bumili ng lunch.

Luigi: Okay, tell me when your free time is or when you are already home. Eat well, my Quinn.

I bit my lower lip. No one calls me on my second name except him. Well, iyon lang naman kasi ang pwede niyang itawag sa akin dahil iyon lang ang nakalagay na pangalan sa facebook account na gamit ko pang-chat sa kanya. My students and colleagues call me 'Ma'am Cha', 'Ma'am Chiara', or 'Ma'am Martin. Kung may maghahanap sa akin gamit ang second name ko ay walang makakikilala sa akin.

Luigi and I have been chatting for almost a month now. I added him to my dummy account randomly. Gwapo siya sa kanyang profile picture pero hindi ko alam kung siya ba talaga iyon. Hindi ko rin sigurado kung lalake nga ba talaga siya o nagsasabi ba siya ng totoo sa edad niya? But after a week or two, I am starting to like him. Usually, hindi naman kasi talaga nagtatagal ang mga online friends. Sa una kasi ay mukhang hindi naman siya interesado sa akin dahil noong unang chat ko sa kanya ay ilang araw bago siya nakapag-reply. But look at us now.

Ako: When can I meet you personally?

Luigi: I am ready to meet you anytime.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kama. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. He is willing to meet me, hindi siya natatakot! Ibig sabihin ay mukhang totoo naman siya. Or baka kidnapper.

Ngumuso ako habang nagtitipa ng mensahe.

Ako: I am very free this Saturday. I really want to meet you.

Luigi: Alright, taga-Tarlac ka lang naman, hindi ba? Ang sabi mo ay nagtuturo ka sa Tarlac State University. I am from San Jose, Tarlac. Malapit sa Monasterio de Tarlac. We can meet at the Monastery if you want.

Oo nga pala, nabanggit niya sa akin na isa siyang pulis kaya hindi siya basta-basta pwedeng umalis. Monasterio de Tarlac is a little bit too far from my town, but I can go there. Matagal na rin simula noong huling pasyal ko roon. It was a beautiful and peaceful sacred place. It is where some piece of relic of the true cross can be found where Jesus Christ crucified. Magandang pasyalan lalo na at nasa tuktok ng bundok at meron pang isang malaking estatwa ni Jesus Christ na parang sa Rio de Janeiro sa Brazil. Ang problema nga lang ay napakatarik ng daan paakyat.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Where stories live. Discover now