Province #15

33 0 0
                                    

Solene's Memoir in Siargao
InangManunulat024

"Ladies and gentlemen! Cebu Pacific welcomes you to Siargao City. The local time is 10:00 in the Morning. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate. Thank you for cooperating!"

I slowly open my eyes when the stewardess speak at the speaker of the plane. Tanaw na tanaw ko ang unti-unting pagbaba ng eroplanong sinasakyan ko.

Nandito na ako sa lugar kung saan ako lumaki, sa lugar kung saan ako unang nagkaisip, nagkaroon ng mga kaibigan, at kung saan ako unang nagmahal.

Pagkalapag ng eroplano, ay kanya-kanya nang ligpit ang mga pasahero para makababa. Bago kami makalabas ng eroplano ay sinalubong muna kami ng mga Stewardess na nag-assist sa amin habang nasa byahe.

"Welcome to Siargao, Ma'am!" Ngiti at tango lamang aking itinugon.

Sumalubong sa akin ang sariwa at malinsangang hangin. Buwan ng nobyembre ngayon kaya nalalapit na ang kapaskuhan. Marami-rami na naman ang turista sa lugar.

Nang makapasok na ako sa loob ng airport, ay dumiretso na ako sa kuhaan ng mga bagahe. Naghintay lamang ako ng ilang sandali at umalis din para salubungin ang taong sobrang tagal ko ng hindi ko na nakikita na naghihintay sa waiting area.

"Lene-Lene!" sigaw ng aking matalik na kaibigan, si Andrea.

Sa sobrang galak na makita ako ay bigla ako nitong sinunggaban ng mahigpit na yakap. Hindi ko na ikinabigla bakit siya ganito sa akin. Ilang taon din kaming hindi nagkita at bihirang-bihira din makapag-communicate gawa ng mga kanya-kanyang trabaho.

“Grabe, walang nagbago sa'yo! Napaka ganda mo pa rin! Sumexy ka din ngayon!” puri nito, na ikinatawa ko.

“Ano ka ba, kanino ba ko magmamana? Sa'yo lang naman ako natuto,” ani ko dito.

“Ikaw, binola mo pa ko! Laki na kaya ng utang mo sa mga inaanak mo!” sabi nito, tsaka hinila ng marahan ang batang nasa likod niya.

Nakitaan ko ng takot ang batang babae, kaya marahan din akong lumuhod sa harap niya para magpantay kami.

“Hi, sabi ni mommy mo dami ko daw utang sa'yo? Ano bang gusto ng cute na inaanak ko?” turan ko dito.

Nahihiya naman siyang tumingin sa akin. Nang lumagpas ang tingin ko sa likod nito ay may pumasok na idea sa isip ko na pwede kong ibigay sa kanila.

I squint my eyes at tinantya ko kung magugustuhan ba nito ang naisip ko.

“Sige na baby, tell ninang what do you want.” sabat ng mama nito na nasa aming gilid.

“Gusto mo bang kumain doon?” ani ko dito at tinuro ng aking nguso ang nasa likuran nito.

Pagkaharap sa akin nito ay lumiwanag ang itsura niya at tuwang tuwang sumang-ayon.

“Opo ninang, I want to eat there po,” mahinhing sabi nito.

“Alright,” sabi ko dito, tsaka inilahad ang aking kamay sa kanya at agad naman nitong inabot. Sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng Jollibee at in-order ang mga gusto nila kainin at ibaon pauwi.

Matapos namin kumain nagpasya na kaming umuwi.

“Siya nga pala, kumusta buhay sa states? Balita ko sikat ka doon, ah. Daming kumukuha sa'yong mga iba’t ibang company,” ani ni Andrea habang nagmamaneho. Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa bahay nila.

“Yeah, busy lagi. Buti nga pinagbigyan akong mag-leave for 1 month.” I said and look again to the window on my side.

Tirik na tirik ang araw, at napaka init na talaga ng panahon. I grab my sunglasses para maiwasan ang kaunting pagkasilaw sa labas.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon