Province #3

68 5 16
                                    

We Traveled Bukidnon
by: Dralleeyyy

"Welcome to Bukidnon!” Bati sa amin ng isang babaeng.. ano ba ‘to? Baliw? No offense but she really sucks at her fashion sense plus she had this wide smile that even her gums is showing. First day at Bukidnon, I’m already judging someone.

“Hi, Lola..” I approach her and give her a kiss on her cheek. I was about to stand back from her, but she pulled me for a hug. “I know po, I missed you too.”

“Naku, Nolan, kung hindi ka lang masakit sa ulo sa Manila ay hindi ka mapupunta rito dahil sa kalokohan mo’ng hindi ko malaman-laman kasi ayaw ipasabi ng Mommy mo.” I just laughed about it at hinawakan ang kamay niya.

“Lola..” I kissed the back of her palm to make her stop worrying about me. “I’m good as new, nothing to worry about—plus, it will only make you faint if nalaman mo ang pinag-gagawa ko sa Manila.” She’s living at Bukidnon for how many years and it really will make her faint ‘pag nalaman niya na nagparty ako sa buong bahay ng wala sila Mom and I fucked some girls, tapos pagka-uwi nila sobrang dumi ng bahay. Ewan ko ba ano’ng purpose ng katulong at hindi nila iyon nilinisan kaagad. Heto tuloy ako, nasa Bukidnon for my freaking childish punishment.

“Halika na nga, pasok na tayo at para makapagpahinga ka na.” Sumunod ako sakaniya papasok sa bahay. Mabuti nalang at modernized ang model ng bahay ni Lola dito at hindi na ako mag-aadjust for days because I will practically spend my two month and a half here at Bukidnon.

Dumikit ako kay Lola para sa tanong ko.”Who is she?” Turo ko sa babae na nakasunod sa amin at siya rin ang babae na bumati sa akin kanina no’ng nakababa ako sa van.

“Gia, hali sa daw diri.” Tawag niya kay Gia, I supposed using the dialect here.

“Unsa man, La?” She answered while her eyes are like.. shining? Wow..

“Siya si Nolan, apo ko. Nolan, siya naman si Gia ang kasama ko rito sa bahay.”

“So she’s a katulong?”

“Hindi. Kasama, Nolan.”

“Same thing, Gia.”

“It is not the same thing, Nolan.” Umiba ang kaniyang accent nang gamitin niya ang lengwaheng ingles. I just raised an eyebrow at her at hinarap na si Lola.

“Lola, I want to rest.. “ panlalambing ko sakaniya at yinakap siya.

“Gia, pakituro nga kung saan ang kaniyang kwarto.” Hinarap ko naman si Gia at nakipagtitigan sa ‘kin. 

Nagtagpo ang kilay ko. “Ano? Ihahatid mo ba ako sa kwarto ko o titigan mo lang ako?”

“Ihahatid na, eto na. Hindi naman makapaghintay e..” Tinalikuran niya ako at pumunta sa may hagdanan. “Sumunod ka, hindi mo malalaman pag nakatayo ka lang d’yan.”

Binigyan ko siya ng irap bago sumunod.

Pagka-apak ko sa ikalawang palapag ay tatlong pintuan lang ang nakita ko at magkakalayo pa. Si Gia naman ay tumigil sa nasa gitna na pintuan, I guess this is my room.  “Sige, salamat.” At binagsakan ko siya ng pinto. I thought may chix dito na pagkakaabalahan ko pero babae lang pala na masungit at weirdo pa.

I guess it was really not hard to adjust kasi ang ganda ng kwarto. King size bed, for the king of course, may banyo na rin sa loob, gilid lang ng pintuan palabas. The closet is just attached on the wall. May tv na rin sa loob at sofa tapos ang likod ng sofa ay kama ko na then sa right side is study table and the left side is just lamp. Just like my room.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Where stories live. Discover now