Province #11

44 3 0
                                    

Between Us in the Paradise of Kiamba
by: AKDA_NI_MAKATA

Hindi ko alam kung saang parte ang kanilang kinaiinisan sa sarili ko, ang pagiging mayaman ko ba't nagiisang anak o ang aking ugali. Pero ang hindi nila alam, hindi ko naman talaga ginusto ang mga nangyayari sa akin.

Kung anong mayroon ako ngayon, 'yon ang gusto kong mawala. Sa pagkakataong ito, gusto ko sarili ko muna ang uunahin ko...

"Tag singko...tag singko...tag singko na lang!"

Inayos ko ang aking sombrero at tiningnan ang paligid na punuan ng mga tao. Fiesta ngayon dito sa Kiamba, sa totoo lang hindi ako pamilyar sa lugar dahil taga General Santos City ako at ngayon lang ako nakapunta dito ng malaman kong may ganitong kaganapan dito. Hindi naman ako nagkamali dahil dito parang nararamdaman kong malaya ako, kaysa sa siyudad na puno ng mga bodyguard na binabantayan ako kahit saan man ako pumunta.

Sumingit ako sa pagitan ng mga tao. Nagsisiksikan na ang mga ito dito dahil sa mga nakalatag na Ukay-ukay at iba pang binibenta.
Halos ilang minuto din akong nakipagsiksikan sa dagat ng mga tao hanggang sa ang malaking daanan ay unti-unti nang tumahimik dahil sa ingay ng mga Maranao na nagbebenta at napalitan ng mga malalakas na sigawan ng mga tao kasabay ng mga tugtugin mula sa ibat-ibang instrumento.

"MAGPAHAYAHAY KITA, SA MALIPAYONG KIAMBA!"

Nagulat ako ng kasabay ng pagsigaw na iyon mula sa mga nagsasayawan sa gitna ng munisipyo ay ang paglakas ng tugtogin ng mga instrumento.
Mas lumapit ako doon at tiningnan ang makulay nilang pagsasayaw. Nakita ko rin sila kanina sa kanilang Street Dance kaya mas na'engganyo lang ako sa aking paggala. Kahit ako lang isa at walang kasamang kaibigan ay parang ramdam ko pa rin na malaya ako dahil alam kong kasama ko ang paraisong Kiamba sa paggala ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong may bumunggo sa akin. Naglakihan ang aking mga mata ng maramdaman kong hinihila na non ang aking bag.

"Magnanakaw!" Sigaw ko.

Lumaki din ang mga mata nito at mas hinila pa ng malakas ang aking bag dahilan ng pagkakabitaw ko dito bago siya tumakbo ng mabilis. "Kawatan, tabangi ko ninyo...Gikuha akong bag!" Sigaw ko at tumakbo sa direksyon nang pinuntahan ng magnanakaw.

Hinihingal na ako kakasunod sa kaniya kahit saan man siya magpunta. Sinusubukan din siyang harangin ng mga taong nadadaanan niya pero magaling siyang umiwas kaya't parang wala lang ang mga tao sa paligid niya. Pumasok siya sa Lordes park, kung saan kasalukuyang dinadagsa ng mga tao lalo na ang mga mag'pamilya. May sari-sariling ginagawa ang mga tao, pare-parehas din maingay kaya halos hindi rin nila ako napapansin. Dumeretso ang magnanakaw papuntang baywalk kaya tumakbo na ako papunta doon. Nang dahil sa maraming tao'y halos hindi ko na maabutan pa ang magnanakaw na pababa na ngayon sa makipot na bridge. Dali-dali naman akong bumaba at mas binilisan pa ang takbo upang mahabol siya. Nang hindi ko na kinaya pa'y hinubad ko ang aking isang sapatos at sumigaw ng malakas.

"KAWATAN!" sigaw ko.

Napalingon siya sa akin at ganun nalang ang paglalaki ulit ng kaniyang mga mata ng makitang ibinato ko na sa kaniya ang aking sapatos. Bago pa man siya matamaan nito'y may humarang na sa kaniya at hinablot ang aking bag pero ganun nalang din ang pagkawala nito sa ulirat ng makita ang aking sapatos na papunta na sa kaniyang mukha ngayon. Agad ko siyang nilapitan at kinuha mula sa kaniyang kamay ang aking bag. Agad ko itong hinalungkat at naghanap kung mayroon bang nawala.
Nang makumpirma kong wala naman ay agad ko nang kinuha ang aking sapatos bago tumalikod na upang bumalik sa pinanggalingan ko.

"Wow, ulawa nako sa imo bayhana ka oi...Wala'y thank you dira?" narinig kong ani nito.

Kumunot ang aking noo ng marinig iyon mula sa lalaki at nilingon siya.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon