Province #16

68 3 8
                                    

Wild Midnight In Cavite
Miss_Miela

Estelle’s POV

“CONGRATULATIONS, Ms. Sadia!” Natigilan ako sa pakikipag-usap sa dalawa kong kaibigan na sina Liyah at Leila nang maramdaman ang nga bisig na dahan-dahang pumupulupot sa aking maliit na baywang. Inihilig ng taong ito ang kaniyang baba sa aking balikat.

Sa pabango pa lang nito ay alam ko na kung sino ito.

Humarap ako sa kaniya at mabilis na niyakap ang kaniyang baywang. “Congrats din, Gael!” magiliw na bati ko rito, nakatingala sa kaniya. Mas matangkad kasi ito sa ‘kin.

Katatapos lang ng graduation namin kanina kung kaya’t nandito kami sa field upang kumuha ng mga litrato.

Gr-um-aduate ako bilang Summa Cum Laude sa degree’ng Bachelor of Science in Civil Engineer, samantalang si Gael naman—my boyfriend for almost six years—ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Architecture.

Bahagya itong yumuko at dinampian ng halik ang aking noo.

“I’m so proud of you! You did a great job!” papuri nito sa akin, at saka ngumiti dahilan para lumabas na naman ang dimples nito.

Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Gael upang makapag-picture kaming dalawa.

Nakasuot kami nina Liyah ng puting Filipiniana Dress, habang sina Gael at Nash naman ay naka-barong na puti.

Maliban roo’y meron din kaming suot na sash; eleganteng tignan ang puting guhit na binabagtas ang kahabaan ng pulang tela, ang tatlong dilaw na guhit ay tila mga sinag ng araw na humihimlay sa aming balikat, mayroon din sa itaas at ibaba na tig-isang gold laurel wreath na sumasagisag sa tagumpay at karangalan, sa pinaka-ibaba naman ng mga ito na malapit sa pa-tatsulok na bahagi ng sash ay ang puting bilog na kung saan naka-pwesto sa loob nito ang nakakaakit na istilo ng logo ng paaralan, at ang pang-huli, ang pagdadaglat ng pangalan ng unibersidad—‘LPU’, ay naka-posisyon sa kaliwang bahagi ng sash.

Habang kumukuha kami ng larawan ni Gael ay sandali kaming napatitig sa isa’t-isa nang bigla itong pinutol ng isang malakas na tikhim.

“Mamaya na ‘yang landian n’yo mga specimen na walang ibang ginawa kun’di magpa-inggit ng love life sa harapan ko. Nagugutom na ‘ko! Tara na!” taas-noong sabi ni Nash, kaibigan ni Gael.

Nasa harapan namin siyang dalawa, nakahawak sa kaniyang tiyan.

Natatawang napailing-iling na lang ako dahil sa kaniyang inasta. Walang pa ring pinagbago, palagi pa ring gutom.

Hinarap ni Gael si Nash at kinunutan ng noo, saka kunwaring itinaas ang kamay at aambahan ito. He hissed. “Lagi na lang pagkain nasa isip mo!” asik niya at binatukan ito kaya napakamot na lamang si Nash sa kaniyang ulo habang nakangusong nakatingin sa amin.

Humarap sa ‘kin si Gael. Hinawakan nito ang kamay ko ‘tsaka kami nagpati-una sa paglalakad.

Lumingon pa muna ako sa likuran namin, at doon ko nakita si Nash na pa-kunwaring aambahan ng suntok si Gael. Nang makita niya ‘kong nakatingin sa kaniya ay ibinaba nito ang kaniyang kamao at hilaw na ngumiti sa akin. Sumenyas pa ito na h’wag ako magsumbong na s’yang nginisian ko lamang.

Nagtungo kami sa parking lot, saka sumakay sa van. Nakaupo ako rito sa front seat, si Gael ang nasa driver seat, at ang mga kaibigan naman namin ang nasa likod.

“Seat belt,” paalala ni Gael sa ‘kin kaya ikinabit ko na ito. Ilang saglit lang ay sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan paalis sa paaralan namin, Lyceum of the Philippines University - General Trias, Cavite.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon