Province #4

73 4 10
                                    

Lantern of Affection in Pampanga
by: eternalqueen_

“Aliah!”

Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan nang marinig ko ang malakas nilang boses. Kabababa ko lang mula sa sasakyan at mukhang kanina pa sila naghihintay sa pagdating ko.

Tamad kong isinuot ang aking shades dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw. Pumipintig pa rin ang sentido ko mula sa hangover kahapon.

“Ang ingay n’yo. Parang isang taon tayong hindi nagkita, ah,” saad ko pagkalapit ko sa kanila.

“Sorry, na-excite lang,” tumatawa-tawang sagot ni Melissa.

I turned my attention towards Blessie.“Blessie, anong ginawa n’yo kahapon? May important outputs bang kailangang ipasa?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami papunta sa aming building.

She was about to open her mouth to speak but Melissa butted in again. Huminto pa siya sa harapan ko at nakapameywang pa.

“Ayan, absent pa. Bakit ka kasi naglasing, eh alam mong may pasok kinabukasan?” panenermon ni Melissa.

Narinig ko ang pagtawa ni Blessie kaya lalo akong napasimangot.

“You know naman na we had a family gathering last Sunday. Nag-day off ang parents ko para sa araw na ’yon kaya sinulit ko na. Baka kasi hindi na naman sila magpasko sa bahay. Hindi rin naman ako uminom nang marami pero grabe ang hangover ko kahapon. Hanggang ngayon nga, actually,” I explained. “So, tell me, ano ngang ginawa n’yo kahapon?”

I smiled at Blessie and she sighed. “Mister Lim gave us a new output. By pair ’yon but since absent ka, he paired you with that mushroom-girl na absent din kahapon,” sagot niya.

My forehead knitted with what she said. “Who’s that mushroom-girl?” I asked.

Melissa chuckled. “Ang slow mo talaga, Aliah. Mushroom-girl, iyong babaeng pala-absent. Para kasi siyang mushroom, lulubog-lilitaw.”

Dahandahan akong tumango bilang pag-intindi sa sinabi niya at nag-umpisa na ulit kaming maglakad.

“Tungkol saan ba ang output? Baka naman mahirap ’yan, ah,” sambit ko.

“Hindi naman gaanong mahirap. Gagawa lang naman ng parol pero dapat hindi iyong ordinary na parol na nakikita natin diyan sa tabi-tabi. As what Mister Lim said, it should be an extraordinary lantern!” Melissa said in excitement.

Hindi ako agad nakakibo. Hindi ako marunong gumawa ng parol. Bumili na lang kaya ako?

“If you’re thinking of just buying a finished product, stop it. Gusto ni Sir na magkaroon ng documentation ang bawat students habang ginagawa ang ‘extraordinary-lantern’. So, kailangan talaga na tayo mismo ang gagawa,” putol ni Blessie sa iniisip ko.

“Right! We could ask for professional help naman. Pero dapat tayo pa rin ang pinakagagawa,” sabi naman ni Melissa. “Pipili rin si Sir ng ilalaban sa Lantern contest at malaki ang incentives n’on. Kaya dapat seryosohin talaga.”

Huminga ako nang malalim at hindi na kumibo. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng ideas para sa parol namin. Ayaw ko nang asahan ang partner ko tutal pala-absent naman ’yon.

At iyon nga ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. Ang deadline ng output namin ay sa December 18. We still have more than one week to finish the output. At sa tingin ko ay madali lang namang matapos iyon basta may magtuturo.

M-in-essage ko na rin ang partner ko na si Sophia pero ni isang reply ay wala akong natanggap. Kaya ngayong araw ay balak ko siyang puntahan sa bahay nila. Magpapasama na lang ako.

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon