Chapter 37

7.1K 408 45
                                    

Ngayong araw na ang dating "kuno" nung mga nag-expedition. Maagang umalis si Cyan para salubungin yung mga kasama niya at makikisabay sa pagbalik. Kunyaring kararating niya lang. Psh!

Kaya naman busy ang mga tao sa streets sa pagdating ng Knights of the Golden Rose. Didiretso kasi sila sa palace muna dahil magkakaroon ng welcome ceremony. Mamayang gabi pa yung welcoming party na inihanda ni mama at dito sa Glyn estate gaganapin.

Kasalukuyang inaayusan ni Georgina ang aking buhok. Buong Glyn family ay dadalo sa welcoming ceremony sa palace.

//knock-knock//

"It's me Ariel, my lady", nakakapanibago talaga kapag may kumakatok sa pintuan ko. Kadalasan kasi basta-basta nalang pumapasok mga tao.

"Kyaahh. It's your knight, my lady", sabay alog saakin ni Georgina. Oo na, alam ko. Gwapo kasi si Prince Uriel kaya itong mga maids dito tanong ng tanong saakin kung saan daw siya napulot ni Cyan.

"Come in, S-Sir Ariel", shit lang. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. Ang awkward lang. Hindi hamak na mas mataas ang posisyon niya kaysa saakin.

Pagkapasok ni Sir Ariel ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kabuuan niya. He is indeed handsome pero... BAKIT KAMI TERNO NG DAMIT?!

Kinalbit ko si Georgina na halos maglaway na kay Prince Uriel. "Who prepared Sir Ariel's suit?"

"Madam did", sagot na pabulong saakin ni Georgina. Sabi ko na nga ba! Saan ka naman nakakita na yung master at knight ay matching clothes? Kung magpapanggap siya na family knight namin, eh di ba dapat uniform ng knight namin ang isuot niya?


Si mama pasaway din minsan eh.

Kinalbit ko ulit si Georgina na nakatunganga nalang kay Prince Uriel. Hindi mo pa tapos ayusan buhok ko. Kalahati palang nabe-braid mo. Mamaya mo na siya titigan.

Pagkatapos bumalik sa ulirat ni Georgina ay sa wakas natapos na niya akong ayusan. Prince Uriel will be acting as my personal knight and escort today.

Pagkatapos maghanda ay kasalukyan na kaming nakasakay sa carriage papuntang palace. Dalawa lang kami ni Prince Uriel nandito sa loob, nasa hiwalay na carriage sila mama at papa. Yung bagong carriage na sobrang lambot yung sinakyan nila samantalang yung akin bagong punas lang. Hindi pa kasi tapos gawin yung isa naming pinagawa sa dami kasi na gustong ipa-upgrade ni mama. Yayamanin kasi.

"Is it really okay for you to come to the palace? What if somebody recognizes you?", tanong ko kay Prince Uriel.

"You don't have to worry, Lady Violet", may inilabas siyang glasses tsaka niya ito sinuot. "Cyan told me to wear this", but that doesn't make any difference. Tumango na lang ako.  I think I should warn Prince Uriel about Cyan. Feeling ko pinagti-tripan lang siya eh.

"Besides, since they thought I'm dead, no one will think I'm the first prince", sana lang.

In case na may makakilala sa mukha niya, magpapalusot na lang ako na kahawig niya lang. Buti na lang at iba ang kulay ng buhok at mata niya.

"I think it would be best not to smile", dagdag ko rin. Ngumiti na lang siya bilang sagot kahit na parang hindi niya na-gets ang ibig sabihin ko.


Kakasabi ko lang di ba? Pangiti-ngiti ka pa diyan, akala mo hindi inubos niya yung nilutong kong kwek-kwek kahapon.


Violet the Wallflower | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon