Chapter 52

8.2K 473 163
                                    

Maliban sa tinakpan yung bunganga namin, nakatali rin ang mga kamay namin. Napatingin ako kay Iris, ewan ko ba kung maaawa ako o matatawa sa sitwasyon namin ngayon. Ang bilis kasi nung nagpapatakbo, kanina pa kami gumugulong-gulong dito sa loob.


"AH!", sabay naming daing ni Iris dahil sa nagkaumpugan kami. Mapapatay ko yung driver nito. Bigla kaming gumulong ni Iris sa isang banda, sa may pintuan. Mukhang paakyat yung dinadaanan.


'Bundok ba pupuntahan namin?'


Ilang saglit lang ay tumigil na rin yung karwahe. May nagbukas ng pintuan ng carriage at dahil nandoon kami ni Iris ay nahulog kami. Nagulat naman yung mga lalaki tsaka kami hinila papunta sa isang lumang cabin.


'Hindi naman siguro ito tulad ng horror movie na Cabin in the Woods, noh?'


Nasa gitna kasi kami ng kagubatan tapos may maliit at lumang cabin sa gitna. Binuksan nung isang lalaki yung pintuan tsaka nila kami tinulak ni Iris papasok kaya naman bumagsak kami ni Iris sa sahig.


"Hemphh! hmmpphh! Hmmph", sigaw ni Iris doon sa mga lalaki. Tumawa lang yung mga pangit tsaka sila umalis at iniwan kami.


"Lady Violet? Lady Iris?", napatingin kami ni Iris doon sa nagsalita.


'Oh my ghad! It's Lily!'


Agad kaming gumulong ni Iris papalapit sa kung saan nakaupo si Lily. Tulad namin ay nakatali rin ang mga kamay niya pero walang busal.


Wait, does it mean the one who kidnap us is...


"Well, well, well. Fancy meeting you again Lady Violet and Lady Iris", biglang dating ni Prince Gabriel. Sinasabi ko na nga ba eh. Oh right, tonight is full moon. Mamaya na niya gagawin yung transfer ritual pero ano kinalaman namin doon ni Iris?


"Hemphh! hmmpphh! Hmmph", si Iris na mukhang ewang kinakausap si Prince Gabriel. HIndi ba siya aware na hindi namin siya maintindihan?


"What in the world are you saying?", kaya naman inalis ni Prince Gabriel yung busal ni Iris. Nagtaka ako dahil bakit saakin siya tumingin.


"So, what's your plan now?", tanong niya saakin. At talaga naman sa harap pa nung kidnapper itanong yung plano.


"Hemphh! hmmpphh! Hmmph", isa rin akong timang na sinagot siya kahit may takip bunganga ko.


"You people are driving me crazy", ani ni Prince Gabriel tsaka niya tinanggal yung busal ko.


"Why are you asking me that?", tanong ko sakaniya.


"I mean now that you already found out that it was Noah, what are you going to do? Are you going to marry him?", napanganga nalang ako sa sinabi ni Iris. Hindi pa pala siya tapos sa usapan namin kanina. Why are you bringing up that topic?


"Are you really asking me that right now?"


Violet the Wallflower | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon