Chapter 39

6.7K 411 36
                                    

"O-one night stand? Mother? What are you talking about? Hahaha...", Cyan! Hindi mo man lang pinatapos yung party bago ka nagsumbong kay mama.

"I'll let you go for now, but we will have a long talk about your sex escapade", ani ni mama. Mom, it was only a one night stand, bakit naging sex escapade na? "I need to know all the details, okay? EVERY. DETAIL. VIOLET. GLYN".

"Y-yes, m-mother", may kung anong aura na inilalabas si mama. Parang natatakot na ako sa talk na yan. Hindi ko na naintindihan yung speech nila papa basta narinig ko nalang na pinatawag niya kami sa may mini stage at tanging mga palakpakan ng mga tao ang aking naririnig.

I glanced at where Cyan and Iris were standing. They must've noticed my menacing stares as they both smirked at me.

"Ah, ganyanan pala", I smiled back at them while waving my middle finger. Tutal hindi naman nila alam kung anu ibig sabihin nito.

"Hehehe...", nakalimutan kong may isa palang nakakaalam. Tinignan ko si Duke Daniel na nagpipigil ng tawa. Napakamot nalang ako ng ulo.

The party went on. As part of the plan, Cyan, Iris, my mother, and I entertained the guests while my father, Marquis Visage, and Duke Daniel went to have a secret meeting in my father's office.

At hindi lang yun, napansin ko rin na may iba pa silang kasama sa meeting nila. It seems like my father and the Marquis were able to talk to the first prince's supporters before. From what I remember, Prince Uriel has a lot of supporters, but I only see a few of them. Mukhang sumama na talaga yung iba sa baliw na prinsipe.

For now, Prince Uriel's faction consists of the following: Count Glyn my father, Marquis Visage, Viscountess Evelyn, Count Oreo, Marquis Byrne and Duke Voclain my bestfriend. And it's obviously not enough. Will we be okay?

===================

Natapos ang party na pagod na pagod kaming lahat. Grabe, kaya ayoko nagho-host ng party eh, mas gusto ko yung ako nakikiparty sa iba at nakikikain. Tch! Wala ako masyadong nakain sa party dahil busy ako makipag-usap sa mga feeling close na bisita. 

Pati si mama na mukhang nakalimutan na yung "talk" namin ay natulog na. Buti naman dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Panigurado magagalit yun lalo na't kapag nalaman niyang hindi ko kilala yung naka-one night stand ko. Tapos noong birthday at coming of age ko pa nangyari.


Paano kapag ipahanap nila yung lalaki? Lalo na si papa, malamang ipapahanap niya yun! So awkward!   

Pahamak talaga si Iris. Ito ring bunganga ko eh, tanong-tanong pa kasi ako. Bakit kasi sila naglalandian sa harapan ko. Asar! Kasalanan ito ng lahat ng may jowa!

Anyway, nandito ako ngayon sa kwarto ko nakatitig sa kisame. Nakaligo at nakapagpalit na ako ng pantulog. Gusto ko na matulog kaya lang ay ang daming tumatakbong tanong sa utak ko.

First, ano nangyari sa meeting nila papa? Curious na curious ako kung ano pinag-usapan nila. I'm also trying to figure it out the crown prince's goal. Tsaka, paano ko babawian sila Cyan at Iris. Yun yung mas mahalaga sa lahat eh!

Kakaisip ko ng revenge ko kanila Iris ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Mas nanaig yung pagod ko kaysa sa evil scheme ko. Tanghali na nga ako nakagising eh, nagulat pa ako sa mukha ni Georgina nung nagising ako. Mukha niya kasi bumungad saakin.

Kakagising ko palang may inaabot na agad na letter saakin. "What's this?", tanong ko kahit na alam kong letter yun.

"A messenger from the Martel family delivered this letter, my lady", kinuha ko nalang yun. Ano ba yan, ni hindi pa nga ako nakakapagtanggal ng muta. "Martel, it must be from Candice--HAA", tinulungan akong magpunas ng mukha ni Georgina. Napansin ko rin na may nakahandaang pagkain ko. Kaya bago ang lahat kakain na muna ako.Umupo ako sa may table ko at sinimulang buksan yung letter. "You are cordially invited to Ethan Simmons and Candice Martel's engagement party...", basa ko doon sa letter.

Violet the Wallflower | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon