Chapter 31

1K 58 22
                                    

A/N: Merry Christmas! And happy new year. Pasintabi sa mga Inc. Anyway, last na 😭 Swear last na! Sa january ulit.

Arabella's Pov

"Ael! Matutulog na kami good night!" Sabi ng isang batang babae.

"Sige! Good night lily!" Saad ko sakaniya at kumaway bago pumasok sa bahay, pagkapasok ko sa bahay naka tayo si mama sa may pintuan.

"Ikaw bata ka? Gabi na? pasok bilis!" Galit na sabi ni mama.

Tumakbo ako papunta sa kwarto at nanginginig sa takot dahil papaluin na naman ako ni mama. Ramdam ko na bumukas ang pintuan at nakita ko ang galit na galit na si mama at may hawak na sinturon. Umatras ako ng umatras hanggang sa wala na ako maatrasan.

Lumapit si mama. "Hindi ba sinabi ko na h'wag ka magpapaabot ng gabi!?" Galit niyang tanong at hinila ako sa higaan bago paluin sa pwet kaya napaiyak ako.

"S-sorry po mama..." Humihikbi kong sabi.

Sinampal niya ako. "Alam mo naman na mahina ka! Tapos lalabas kapa?! Walang hiya ka!" Galit niyang sigaw at pinagpapalo ako ng sinturon.

"Mama tama na po!" Pagmamakaawa ko sakaniya habang humihikbi.

Nakaamoy ako na parang may nasusunog kaya naitulak ko si mama kahit ang sakit sakit ng katawan ko kagagawa ng pagpapalo ni mama sa'kin ng sinturon.

Tumatakbo ako palabas ng bahay dahil parang may nagsisigawan at parang may sunog...tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig at nanigas sa kinatatayuan ng makita kung sa’ang puwesto ang nasusunugan.

"H-hindi..." Nanghihina kong sabi at tumulo ang luha ko.

"Anak ko!" Napatingin ako sa sumigaw, si aling bersie ang ina ni lily.

Lumapit ako. "A-aling bersie...si lily po hindi ba...? Nakaligtas s-siya?" Naluluha kong tanong.

Napatingin si aling bersie sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "P-please...tulungan mo ang anak ko, nasa loob siya! Naiwa-n siya sa loob! Lily, anak!" Umiiyak niyang sabi.

Napaiyak nalang din ako.

Kung may lakas lang ako tulungan si lily, aling bersie.

Napatingin kami ni aling bersie sa lumabas na bombero at may hawak na bata kaya patakbo kami pumunta ni aling bersie doon.

Tila nabuhusan na naman ako ng malamig na tubig.

"Lily..." Bulong kong tawag sakaniya.

H-hindi puwede...

"Lily! Anak!" Umiiyak na tawag ni aling bersie at binuhat si lily, niyakap niya ito ng mahigpit at umiyak ng todo.

Dumating ang mga ambulance chineck nila si lily buhay pa siya nito...

"Pagalingin niyo ang a-anak ko!" Nagmamakaawang umiiyak ni aling bersie.

"Gagawin po namin ang lahat." Sabi ng doctor at pumasok sila sa ambulance car.

Ilang minuto lumabas ang ambulance at hinarap si aling bersie.

"Pasensya na po, ngunit hindi na po lumalaban ang anak niyo." Sabi ng doctor dahilan manigas ako sa kinatatayuan at tulala lang. "Time of death 8:05 pm." Sabi ng doctor habang nakatingin sa relo at pinagsilbihan pa nila ang iba na nasawi sa sunog.

Napaupo naman ako sa sahig at si aling bersie na umiiyak padin.

B-bakit? Bakit pa? Kaybigan ko pa? Ang sasaya natin, lily....tapos iiwan mo lang kami ng ganito? Akala ko ba may bukas pa?

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon